22/03/2026
𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Simula Marso 23, 2026, magbabalik po ang Land Registration Authority sa 10-hour compressed workweek arrangement.
Ang iskedyul ng serbisyo sa LRA Central Office ay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, Lunes hanggang Huwebes. Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026, na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, magbubukas pa rin po ang opisina tuwing Biyernes upang maghatid ng frontline services, ngunit limitado ang bilang ng mga kawani (skeleton workforce).
Samantala, ang iskedyul ng bawat Registry of Deeds (RD) ay maaaring magbago ayon sa mga anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan. Inaabisuhan po ang lahat na tumutok sa mga anunsyo mula sa inyong lokalidad.
Para po sa pagbabayad ng transaksyon, ang cutoff time po ay alas-singko ng hapon upang mabigyan ng sapat na oras ang pagproseso ng mga natanggap na transaksyon. Kapag cashless payment naman po ang inyong paraan ay maaari pa rin itong matanggap kahit lagpas sa itinakdang cutoff.
Maaari po ninyong i-click ang link na ito para sa kaukulang impormasyon ukol sa cashless payment o magpagabay sa inyong Registry of Deeds:
Cashless Payment Guide
https://www.facebook.com/share/v/14bgcGqQ3cj/
Inaabisuhan po namin ang lahat na planuhin ang iskedyul ng inyo pong pagpunta sa aming mga opisina upang maiwasan ang abala.
Maraming salamat po.