08/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐โ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐ก๏ธ
๐ฏ๐๐๐ถ: ๐ฎ๐ผ๐ฟโ๐ฟ๐๐ด ๐น๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฑ๐๐ฟ: ๐ซ๐ถ๐๐
๐๐
๐๐๐ถ๐ ๐๐พ ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ถ ๐๐ถ ๐ข๐ถ๐น๐น๐ถ๐๐, ๐ซ๐ถ๐๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ ๐๐ ๐ซ๐ถ๐๐๐ถ๐
๐๐ถ๐ ๐๐ถ ๐ฎ๐พ๐๐พ๐
๐พ๐.
(๐ฎ๐ผ๐ฟโ๐ฟ๐๐ด ๐น๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฑ๐๐ฟ: ๐ซ๐ถ๐๐
๐๐
๐๐๐ถ๐ ๐๐ถ ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ถ๐๐ ๐ข๐ถ๐น๐น๐ถ๐๐, ๐ซ๐ถ๐๐๐ถ๐๐ถ๐พ๐๐ถ ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐ถ ๐๐ถ๐๐๐๐ถ๐น ๐๐ถ ๐ฎ๐พ๐๐พ๐
๐พ๐.)
Isang matagumpay, makulay, at makasaysayang pagdiriwang ng SILโLAY Festival 2026 ang muling ipinagdiwang ng Barangay Sinipit bilang pagpupugay sa mayamang kulturang Gaddang at pagkakaisang patuloy na nagbibigay lakas at pag-asa sa buong komunidad. ๐พ๐
Sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal ng Gaddang attire at tradisyunal na sayaw, muling nabigyang-buhay ang kagandahan ng ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan bilang mga mamamayan ng Sinipit. Ang bawat ngiti, galaw, at kasuotan ay sumasalamin sa pagmamahal at pagpapahalaga sa ating pinagmulan at pamana ng ating mga ninuno.
Hindi lamang ito isang pagdiriwang, kundi isa ring paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pagsusumikap tungo sa mas maunlad at mas matatag na pamayanan. Tunay na naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa pakikiisa at suporta ng bawat isa.
Taos-pusong pasasalamat sa mga magulang ng ating mga muse at royal families na walang sawang sumuporta at gumabay sa kanilang mga anak. Pasasalamat din sa ating mga sponsors, stakeholders, at mga taong naging katuwang upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito:
โข Hon. & Mrs. Christopher S. Go โ Congressman, Second District
โข Hon. Ed Christian S. Go โ Board Member, Second District
โข Hon. & Mrs. Julie Reyes - Board Member, Second District
โข Hon. John Paul S. Azur โ Municipal Mayor
โข Hon. Rose Jane S. Azur โ Sangguniang Bayan Member
โข Parents of the Candidates and other stakeholders
Lubos din ang aming pasasalamat kay Hon. John Paul S. Azur, Municipal Mayor at Guest Speaker, sa kanyang makabuluhang mensahe at buong pusong suporta sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kulturang Gaddang.
Sa bawat tagumpay ng SILโLAY Festival, patuloy nating pinagtitibay ang pagmamahal sa kultura at pagkakaisang nagsisilbing susi tungo sa isang maunlad na Barangay Sinipit. โจ