02/06/2026
๐๐ก๐๐ซ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง: ๐ช๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐
โ๐พ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐? ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Ito ang pamosong linya ng local content creator na si Baett, na nagpasiklab ng meme tungkol sa isang orange na gustong magkaroon ng sariling pangalan. Mula sa social media, lumundag ito sa mga pamilihan, kung saan dumarami na ang mga tindahan at supermarket na binibigyan ng tatak ang kanilang mga oranges, tulad ni Sharmaine.
Ngunit sa Nueva Vizcaya, lalo na sa bulubunduking bayan ng Kasibu, ang citrus ay higit pa sa meme. May tunay itong pangalan, may kwento, at may puwang sa puso ng mga magsasaka. Ang bawat prutas ay sagisag ng kabuhayan, kultura, at pagkakakilanlan ng komunidad.
๐๐ข๐ญ๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ณ๐จ๐ง
Noong Hunyo 24, 2022, nilagdaan ni dating Department of Agriculture Secretary Dr. William D. Dar ang Administrative Order No. 18, series of 2022 na nagdeklara ng Kasibu bilang Citrus Capital of Luzon. Sa Malabing Valley, higit 529 ektarya ang nakalaan para sa Citrus sinensis at iba pang Rutaceae variants.
Mula sa calamandarin oranges, mandarin (satsuma at ponkan), hanggang sa matatamis na pomelo, Kasibu ang pangunahing pinagmumulan ng citrus sa buong lalawigan.
Hindi naging madali ang lahat. Dumaan ang industriya sa matitinding pagsubok nang salantain ng mga citrus disease ang mga taniman. Ngunit sa tulong ng mga lokal na magsasaka, Nueva Vizcaya State University at Department of Science and Technology, muling nabuhay ang mga orchard gamit ang certified clean seedlings. Ang tagumpay na ito ay patunay ng tibay at pagkakaisa ng komunidad.
๐๐ง๐จ๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang Citrus Festival, tampok ang agri-tourism trade fairs, street dancing, at culinary competitions. Isa sa mga bagong produkto ang Malabing Wineryโs Satsuma Citrus Wine, alak na gawa mula sa sariwang Satsuma oranges na patunay ng malikhaing inobasyon ng mga Vizcayano.
Kaagapay ng mga magsasaka ang mga kooperatiba. Ang Saint Patrick Parish Multi-Purpose Cooperative ay nagpapatakbo ng Agri Stores sa Poblacion at karatig na lugar, nagsusuplay ng abono, pesticides, at farm tools. Samantala, ang Malabing Valley Multi-Purpose Cooperative ay nagsisilbing sandigan ng industriya kung saan ginagawang integrated agribusiness hub ang Kasibu at pinalalakas ang daloy ng produkto sa merkado.
๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ
Isa sa mga huwarang Agrarian Reform Beneficiary (ARB) na taga-Kasibu ay si Mary Grace Paas ng Brgy. Muta. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, masinop niyang tinahak ang landas ng pagsasaka. Bagamaโt datiโy puno ng citrus ang kanyang lupa, ngayon ay tinataniman niya ng langka, niyog, gmelina, at calamansi.
Para kay Mary Grace, ang lupa ay higit pa sa kabuhayan. Ito ay pamana ng dignidad at kalayaan. โPwede naming itanim yung gusto namin para sa mga anak namin,โ aniya.
Sa Kasibu, ang citrus ay hindi lang basta orange. Ito ay Sharmaine ng bayan, may pangalan, may kasaysayan, at may kinabukasan. Ang mga kooperatiba, magsasaka, at mga ARBs ay patuloy na nagbubuklod upang mapanatili ang sigla ng industriya.
At tandaan: ang orange at citrus varieties ng Kasibu ay nasa harvest season mula Hulyo hanggang Enero bawat taon. Sa bawat prutas na iyong matitikman, dala nito ang kwento ng komunidad, kasipagan ng magsasaka, at ang matamis na tagumpay ng Nueva Vizcaya.