28/08/2026
๐๐
๐ ๐๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌโ ๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐จ
Nakibahagi sina Branch Manager Elsa A. Lim, Supervising Grains Officer Milagros Zsa Zsa Torralba, at Administrative Officer V Ivy Fausto ng NFA Nueva Vizcaya Branch Office sa pagdiriwang ng Farmersโ Day ng Lokal na Pamahalaan ng Solano noong Agosto 15, 2026.
Sa nasabing aktibidad, nagbahagi ang NFA ng impormasyon hinggil sa mga pangunahing programa at mandato ng ahensya, partikular ang pagbili nito ng palay mula sa mga lokal na magsasaka. Ipinaliwanag din ang patuloy na pagsusuplay ng bigas para P20 rice program sa lahat ng angkop ng sangay.
Kasabay nito, isinama rin ng NFA ang mga kinatawan ng Food Terminal, Inc. (FTI) upang samantalahin ang pagkakataong maihatid ang P20 rice sa mga dumalo sa aktibidad. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng bigas sa halagang โฑ20 kada kilo, nabigyan ang mga magsasaka at iba pang miyembro ng komunidad ng pagkakataong makabili ng mas abot-kayang bigas, habang naipakikilala rin sa kanila ang mga programang naglalayong gawing mas accessible ang suplay ng bigas.
Ang pagdalo ng NFA ay pagpapakita ng patuloy na pakikiisa at suporta ng ahensya sa mga magsasaka ng Solano, gayundin sa mga programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan na kumikilala sa mahalagang ambag ng sektor ng agrikultura sa komunidad. Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, higit pang napagtitibay ang ugnayan ng NFA, FTI, at lokal na pamahalaan tungo sa mas maayos na serbisyo, mas abot-kayang bigas, at kapakanan ng mga magsasaka at mamamayan.
"๐ป๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐"