05/09/2025
PENARO Ulirang Pamilya Entry
Ako si Manggugubat Lito A. Calub, isang Environmental Management Specialist I ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENARO) ng probinsya ng Nueva Vizcaya. Dahil sa hirap ng buhay ay ginawa namin ng aking asawa ang lahat ng sakripisyo at lahat ng aming makakaya alang-ala sa pamilya.
Taong mula 1986 hanggang 1989 noong ako ay namasukan bilang isang Fire Fighter at Forest Guard sa Integrated Forest Protection Pilot Project (IFPPP) of Bureau of Forest Development (BFD) ngunit hindi sapat ang aking kinikita upang matustusan ang aming pangangailangan.
Sinikap namin itaguyod ang aming pamilya sa pag-uuling na trabaho mula taong 1990 hanggang 1991 kahit mahirap at di kami nawalan ng pag-asa para lumaban.
Sa mga hirap at pagsubok sa buhay na aming dinanas, nakapagtapos lahat ang aking mga anak, si Liezel sa kursong BSSED na ngayon ay may negosyo. Si Ryan sa kursong BSECE, na kasalukuyang nagtatrabaho sa YAZAKI company, si Joshua sa kursong BSEcoutorism na kasalukuyang nagtratrabaho sa Five Star Hotel & Resort sa Okada Manila.
Habang ako ay naglilingkod sa Diyos bilang isang kasalukuyang Provincial Pastor ng Jesus is Lord, hindi rin mawawala ang aking pagmamahal sa kalikasan sapagkat ako ay nagsimulang nagtrabaho sa PENARO taong 2013. Ako ay nag-umpisa bilang isang Administrative Aide IV, taong 2014 noong ako ay naging isang casual na Environmetal Management Specialist I. Sa taong ito din ako nag-take ng Forester Licensure Examination at sa kabutihan ng Diyos ako ay pinalad na nakapasa. Taong 2017 ay naging ganap akong permanente bilang Environmental Management Specialist I ng PENARO hanggang sa kasalukuyan.
Napakasarap lamang alalahanin ang mga sakripisyo at hirap para sa pamilya na ngayon ay natatamasa na ang mga bunga ng pagtyatyaga. Buhay na sa una ay tila uling na kapag pinainit ng pagmamahal sa pamilya na may kasamang gabay at patnubay ng Diyos ay nagliliyab at nagkakaroon ng buhay na maliwanag at pagasa.
Joshua 24:15 “But as for me and my household, we will serve the Lord.”