10/02/2026
SUSPENDIDO NA ANG EXPLORATION PERMIT NG WOGGLE CORP. SA DUPAX DEL NORTE
Sa isang liham ng DENR-MGB kay Sen. Erwin Tulfo, kinumpirma nito na TEMPORARILY SUSPENDED na ang Exploration Permit ng Woggle Corporation sa Dupax del Norte. Ito ay dahil sa mga kaguluhang nangyayari sa lugar na binigyang-diin ni Sen. Tulfo sa kanyang Privilege Speech noong February 2.
Salamat po dito, MGB. Gayunpaman, patuloy ang panawagan natin na dumaan ang LAHAT ng application ng mining permits sa maayos na konsultasyon sa lokal na pamahalaan. At mariin po nating kinokondena ang karahasan laban sa mga kababayan natin sa Dupax del Norte.