DILG Nueva Vizcaya

DILG Nueva Vizcaya The official page of the Department of the Interior and Local Government - Nueva Vizcaya The DILG also supervises the Philippine National Police.

The Department of Interior and Local Government (DILG) (Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal) is the Philippine government's executive branch mandated to promote peace and order, ensure public safety, and strengthen capability of local government units through active people participation and a professionalized corps of civil servants.

DILG NUEVA VIZCAYA STRENGTHENS LGU CAPACITIES THROUGH DIGITAL GOVERNANCE TRAININGS IN ALFONSO CASTAÑEDALast August 27, 2...
01/09/2026

DILG NUEVA VIZCAYA STRENGTHENS LGU CAPACITIES THROUGH DIGITAL GOVERNANCE TRAININGS IN ALFONSO CASTAÑEDA

Last August 27, 2026, the DILG Nueva Vizcaya Provincial Office, spearheaded by Provincial Director Catherine G. Allam-Miranda, CESO V, simultaneously conducted capacity building activities in the Municipality of Alfonso Castañeda—the LGUSS-BIMS Refresher Course and the Training-Workshop on Roads and Bridges Information System (RBIS).

Engr. Albert V. Guloy facilitated the RBIS Training-Workshop for Engineers and other concerned personnel from the Municipal Engineering Office (MEO) and Municipal Planning and Development Office (MPDO). The training served as a reorientation on the proper encoding, updating, and management of local roads and bridges information to support infrastructure planning, monitoring, and reporting.

While, the LGUSS-BIMS Refresher Course was attended by Barangay Secretaries and Punong Barangays. It was facilitated by LGOO II Frederick Norberte, ISA I Myla Jane M. Macadangdang, and ADA III Russel B. Domincel. The session focused on system navigation and the proper encoding and updating of Inhabitant Profiles, emphasizing the importance of maintaining accurate and updated barangay information.

Throug these capacity-building activities, DILG Nueva Vizcaya continues to empower barangays and LGUs in utilizing digital governance systems, promoting accurate data management, responsive planning, transparency, accountability, and improved public service delivery.


DILG NUEVA VIZCAYA, PINAIGTING ANG DIGITAL GOVERNANCE SA MGA BARANGAYMatagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at...
25/08/2026

DILG NUEVA VIZCAYA, PINAIGTING ANG DIGITAL GOVERNANCE SA MGA BARANGAY

Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) – Tanggapan ng Nueva Vizcaya ang Local Government Unit Support System – Barangay Information Management System (LGUSS-BIMS) Rollout para sa mga Barangay Secretary ng mga target na barangay mula sa mga bayan ng Bambang, Aritao, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kayapa, at Santa Fe noong Agosto 24, 2026 sa Bambang Integrated Agri-Tourism and Learning Site (BIATALS), Bambang, Nueva Vizcaya. Samantala, isinagawa din ang rollout para sa mga target na barangay mula sa mga bayan ng Solano, Bagabag, at Villaverde noong Agosto 25, 2026 sa Function Room 1, Municipal Hall Building, Solano, Nueva Vizcaya.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at teknikal na kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng LGUSS-BIMS, isang komprehensibong sistema na naglalayong suportahan ang mga barangay sa mas maayos at organisadong pamamahala ng kanilang impormasyon at pang-araw-araw na operasyon.

Bilang bahagi ng mga inisyatiba ng DILG sa pagsusulong ng digital transformation sa antas ng barangay, nagsisilbing mahalagang kasangkapan ang LGUSS-BIMS upang mapabilis ang pagproseso at pamamahala ng impormasyon, mapaikli ang oras ng pagtugon, at higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng digital governance, nananatiling nakatuon ang DILG Nueva Vizcaya sa pagtataguyod ng maayos, mahusay at makabagong pamamahala sa mga barangay.

PAGPAPATULOY NG MONITORING PARA SA RICE DISTRIBUTION PROGRAM SA BAYAN NG DUPAX DEL NORTENgayong ika-19 ng Agosto 2026, n...
25/08/2026

PAGPAPATULOY NG MONITORING PARA SA RICE DISTRIBUTION PROGRAM SA BAYAN NG DUPAX DEL NORTE

Ngayong ika-19 ng Agosto 2026, nagsagawa ng pagsubaybay ang Panlalawigang Tanggapan sa implementasyon ng Rice Distribution Program sa Bayan ng Dupax del Norte, na napondohan sa ilalim ng FY 2026 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU).

Ang monitoring ay isinagawa sa Barangay Malasin at Barangay Belance, kung saan ang pamamahagi ng bigas ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Agriculture Office katuwang ang mga barangay officials ng nasabing mga barangay.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa harap ng mga hamon sa kabuhayan at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa pamamagitan nito, nakatutulong ang pamahalaang lokal sa pagsusulong ng food security at pagpapagaan ng gastusin ng mga mamamayan.

Patuloy namang isinasagawa ng Kagawaran ang pagsubaybay at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programang pinondohan ng pambansang pamahalaan, gayundin ang wasto, episyente, at makabuluhang paggamit ng pondo para sa kapakanan ng publiko.

𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 (𝟖) 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 (𝟖) 𝐊𝐔𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎, 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎!May 𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 (𝟖) 𝐞𝐧𝐭𝐫𝐢𝐞𝐬 na tayong handang ipa...
25/08/2026

𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 (𝟖) 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 (𝟖) 𝐊𝐔𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎, 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎!

May 𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 (𝟖) 𝐞𝐧𝐭𝐫𝐢𝐞𝐬 na tayong handang ipakita sa inyo! ❤️
Ang paligsahang ito ay naglalayong bigyang pagkakataon ang mga kawani ng DILG Rehiyon Dos na maipahayag ang kanilang saloobin, karanasan, at pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa malikhaing paraan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na larawan at isang maikling sanaysay.

Higit pa sa isang paligsahan, layunin nitong ipakita kung paano natin ginagamit at pinahahalagahan ang Wikang Filipino at AI sa ating pang-araw-araw na gawain bilang mga lingkod-bayan, alinsunod sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Kaya, basahin ang kanilang mga kuwento, tingnan ang kanilang mga larawan, at kilalanin ang mensaheng nais nilang ihatid.

Online Voting: Mula ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto 2026, 5:00 NH.
𝐋𝐨𝐯𝐞 (❤️) 𝐫𝐞𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 lamang ang bibilangin bilang boto.

Sama-sama nating ipagdiwang ang wika, pagkamalikhain, at makabagong paraan ng pagpapahayag!

“MAKABAGONG KAWANI”

Ang mga makabagong tuklas ay instrumento sa paghubog ng karunungan tungo sa mahusay na paglilingkod-bayan. Nakatutulong ang AI hindi lamang sa simpleng pagsalin ng salitang Ingles sa Filipino kundi upang makabuo ng dokumento at mga materyales na pang-impormasyon, edukasyon, at komunikasyon dahil napapabilis nito ang pagproseso ng kaalaman. Ngunit, may pananagutan kami sa aming tungkulin at ginagamit namin ang aming pagkamalikhain sa pagpapatupad ng mga programa. Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya, kami ay mga kawaning magsisilbing kasangkapan sa pagpapahalaga sa Wikang Filipino at gagamitin ang AI para sa pangangalap at pagbabahagi ng mga wastong impormasyon sa lahat.

DILG NAGSAGAWA NG MONITORING SA RICE DISTRIBUTION PROGRAM SA  BAYAN NG KASIBU, NUEVA VIZCAYANgayong ika-24 ng Agosto 202...
25/08/2026

DILG NAGSAGAWA NG MONITORING SA RICE DISTRIBUTION PROGRAM SA BAYAN NG KASIBU, NUEVA VIZCAYA

Ngayong ika-24 ng Agosto 2026, nagsagawa ng pagsubaybay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa implementasyon ng Rice Distribution Program ng Pamahalaang Bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya, na napondohan sa ilalim ng FY 2026 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU).

Ang monitoring ay isinagawa sa dalawang barangay—Barangay Pudi at Barangay Siguem—kung saan ang pamamahagi ng bigas ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan, upang matiyak ang maayos at episyenteng paghahatid ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Dinagdagan din ng Pamahalaang Bayan ng Kasibu ang pondo para sa programa upang mas mapalawak ang saklaw nito at mas marami pang pamilyang nangangailangan ang matulungan. Bawat benepisyaryong pamilya ay nakatanggap ng 25 kilos ng bigas bilang agarang food assistance upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa harap ng mga hamon sa kabuhayan at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa pamamagitan nito, nakatutulong ang pamahalaang lokal sa pagsusulong ng food security at pagpapagaan ng gastusin ng mga mamamayan.

Patuloy namang isinasagawa ng Kagawaran ang pagsubaybay at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programang pinondohan ng pambansang pamahalaan, gayundin ang wasto, episyente, at makabuluhang paggamit ng pondo para sa kapakanan ng publiko.

NUEVA VIZCAYA PPOC-PADAC-PTF ELCAC MEETING, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA PARA SA IKATLONG KAPAT NG TAONG 2026 Noong ika-19 ng...
23/08/2026

NUEVA VIZCAYA PPOC-PADAC-PTF ELCAC MEETING, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA PARA SA IKATLONG KAPAT NG TAONG 2026

Noong ika-19 ng Agosto, 2026, matagumpay na naisagawa ang Nueva Vizcaya Joint Peace and Order Council - Anti- Drug Abuse Council - Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting sa Ammungan Hall, Capitol Compound, Bayombong, Nueva Vizcaya. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan mula sa mga ahensiyang miyembro ng kapulungan.

Nagkaroon ng pagbabahagi ng accomplishments at updates ukol sa mga sumusunod na agenda:
1. Updates and Accomplishments on Peace and Order and Public Safety Situation
2. Updates and Accomplishments on Anti-Illegal Drug Activities
3. Updates and Accomplishments on Insurgency Status of the Province
4. Status of Filed Cases under Probation

Bilang karagdagan, kabilang sa naging usapin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan, kasunod ng mga pangyayaring pangkaligtasan sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Isa din sa naging resolusyon ang pagkakaroon ng Technical Working Group para sa pagbuo ng Safety and Security Manual na maaaring gamitin sa mga paaralan.

Sa usaping kontra-droga, naghayag ng suporta ang Panrehiyong Patnugot ng PDEA na si Dir. Gil Cesario Castro sa mga isinasagawang programa para sa Barangay Drug Clearing Program.

Patungkol sa usaping insurhensiya, naibahagi ng 86IB na ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya ay kasalukuyang nasa ilalim ng Operational Control ng 501IB kabilang ang mga Lalawigan mula sa Cordillera Administrative Region, simula noong ika-1 ng Hulyo, 2026.

Panghuli, nagkaroon ng pagkilala sa mga miyembro ng kapulungan sa kanilang kontribusyon sa pagsasagawa ng Serbisyo Karaban sa mga piling barangays, alinsunod sa pagpapatupad ng Retooled Community Support Program sa Lalawigan.

16/08/2026

Happy Birthday to our Provincial Director, Ma'am Catherine G. Allam - Miranda, CESO V! 🥳🎂

May the year ahead bring you beautiful moments, good health, and everything your heart hopes for. God bless you and your family always. ✨💖

12/08/2026

Happy Birthday, Ma'am Rukmini V. Valencia! 🥳🎂

May the year ahead bring you beautiful moments, good health, and everything your heart hopes for. God bless you and your family always. ✨💖

𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐑𝟐!Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/4fVbLoE
12/08/2026

𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐑𝟐!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/4fVbLoE

TIGNAN | DILG NUEVA VIZCAYA AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA, PINANGUNAHAN ANG TATLONG-ARAW NA PAGSASANAY SA...
10/08/2026

TIGNAN | DILG NUEVA VIZCAYA AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA, PINANGUNAHAN ANG TATLONG-ARAW NA PAGSASANAY SA INFRASTRUCTURE AUDIT PROGRAM SA LALAWIGAN

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Nueva Vizcaya, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ay matagumpay na nagsagawa ng tatlong-araw na pagsasanay na pinamagatang Adaptive Capacity and Resilience Enhancement Project: Training for the Infrastructure Audit Team mula Agosto 5 hanggang 7, 2026 sa Ammungan Hall, Capitol Compound, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Pormal na binuksan ang programa ni PDRRMO Robert L. Corpuz. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na mahalagang matiyak na ang bawat pagpapasya ng pamahalaan matapos ang isang kalamidad ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan. Nagbahagi din siya ng kahalagahan ng “synergy” ng iba’t-ibang sangay at antas ng pamahalaan kung saan sinabi nya na “Coordination brings us together, Cooperation keeps us moving. Partnership strengthens our commitment. But synergy transforms our individual capabilities into a united force that protects lives”.

Tinipon sa nasabing pagsasanay ang mga kinatawan ng iba't ibang munisipalidad at ng lalawigan, partikular ang mga miyembro ng kanilang Local Infrastructure Audit Teams (LIATs). Layunin nito na mapagtibay ang kakayahan ng mga LIAT sa pagsusuri ng kalagayan at kaligtasan ng mga pampublikong imprastraktura sa kani-kanilang nasasakupan alinsunod sa DILG Memorandum Sirkular Blg. 2025-071.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, ang mga Tagapagsalita mula sa iba’t-ibang ahensya na kasapi ng LilHub ay nagbahagi ng talakayan ng mga pamantayan sa Infrastructure Audit Program at ang paggamit ng Harmonized Infrastructure Audit Tool at nag-facilitate ng mga workshops, kabilang din ang onsite field practicum bilang paghahanda ng mga kalahok sa aktwal na pagsasagawa ng Infrastructure Audit sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan.

Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng mensahe si Dir. Catherine G. Allam-Miranda, CESO V, Panlalawigang Patnugot, DILG Nueva Vizcaya kung saan binigyang-diin niya na ang tunay na halaga ng pagsasanay ay masusukat sa kung paano maisasagawa at maisasakatuparan ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan sa aktwal na infrastructure audit sa kani-kanilang mga LGU.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya para sa suportang pinansyal na naging mahalaga sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsasanay. Pinasalamatan din niya ang mga kalahok, resource persons, at facilitators na sa kabila ng pagkansela ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan dulot ng bagyo ay naglaan pa rin ng oras at nagsikap na makadalo sa tatlong-araw na pagsasanay.

Ang mga kaalaman at kasanayang nakamit ng mga kalahok ay inaasahang higit na magpapalakas sa kanilang kakayahan sa pagsusuri at pagmomonitor ng mga pampublikong imprastraktura sa kani-kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan nito, mas mapagtitibay ang pagsusulong ng ligtas, matatag, at disaster-resilient na imprastraktura at mga pamayanang higit na handa sa anumang sakuna at kalamidad.


Address

Bayombong
3700

Telephone

+63783210066

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG Nueva Vizcaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DILG Nueva Vizcaya:

Shortcuts

Share