19/10/2025
MOST WANTED PERSON NA MAY KASONG QUALIFIED THEFT, ARESTADO SA PAMPANGA
Camp Major Saturnino L Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya โ Matagumpay na naaresto ng kapulisan ng Nueva Vizcaya ang isang 28 anyos na babae na may alyas na LANIE dahil sa kasong Qualified Theft at itinuturing na Most Wanted Person nito lamang Oktubre 19, 2025 sa Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga.
Ang suspek ay isang Tax Accountant at nakatira sa Block 18, Lot 22, Barangay Dau, Mabalacat, Pampanga. Ang pag aresto ay bunga ng mabilis at organisadong intelligence-driven operation na isinagawa ng operatiba ng Solano Police Station at Police Intelligence Unit ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa Mabalacat PS.
Ang operasyon ay batay sa warrant of arrest na inisyu noong Mayo 22, 2025 ni Hon. Ginalyn Rosal Rubio, Presiding Judge ng Second Judicial Region, RTC Branch 28 sa Bayombong, Nueva Vizcaya na may rekomendasyong piyansa na nagkakahalaga ng One Million Two Hundred Thousand Pesos (Php 1,200,000.00) para sa pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Solano Police Station ang suspek bago ito ipasa sa korte na nag-isyu ng warrant. Ang naturang warrant ay nakarehistro rin sa E-Warrant System upang masigurong sumusunod ang proseso sa legal na pamantayan.
Pinapurihan naman ni PCOL PAUL T BOMETIVO, Acting Provincial Director ng NVPPO ang naging matagumpay na operasyon. Patunay ito sa matatag na koordinasyon at determinasyon ng mga kapulisan na gawing ligtas ang komunidad mula sa mga taong may kinahaharap na seryosong kaso.
Ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office ay patuloy na magbibigay ng mahigpit at makatarungang pagpapatupad ng batas para sa kapanatagan at kapayapaan ng bawat mamamayan. # # #
NVPPO PRESS RELEASE
Authority: PCOL PAUL T BOMETIVO
Acting Provincial Director, NVPPO
PMAJ NOVA LYN C AGGASID
Public Information Officer
page: Nueva Vizcaya Police Provincial Office
Official Website: https://nuevavizcayappo.pro2.pnp.gov.ph