Mayor's Action Center - LGU Bayambang

Mayor's Action Center - LGU Bayambang Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor's Action Center - LGU Bayambang, Social service, Roxas Street Zone II, Pangasinan, Bayambang.

21/03/2026

ABISO

Ipinababatid sa lahat na may kumakalat na maling impormasyon o fake news na nagsasabing ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ay nagbibigay umano ng halagang Sampung Libong Piso (₱10,000) sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng kasalukuyang digmaan.

Mariin pong nililinaw ng Pamahalaang Bayan na walang katotohanan ang nasabing balita. Sa kasalukuyan, wala pong programang pinansyal na ayuda ang LGU Bayambang na may ganitong uri o halaga para sa nabanggit na layunin.

Gayunpaman, ang Pamahalaang Bayan ay nananatiling bukas at handang makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng OWWA at DMW upang tumulong sa mga usapin ng repatriation at rescue operations para sa ating mga kababayang OFWs.

Inaanyayahan ang lahat na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga impormasyong kumakalat sa social media. Para sa opisyal na anunsyo, mangyaring sumangguni lamang sa mga opisyal na pahina at tanggapan ng LGU Bayambang.

Maraming salamat po.

21/03/2026
12/03/2026

ABISO SA PUBLIKO

Dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina at kuryente dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan, at alinsunod sa Memorandum ng Malacañang, ipapatupad ang bagong iskedyul ng operasyon ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang:

- Lunes hanggang Huwebes: 7:00 AM – 6:00 PM
- Biyernes hanggang Linggo: Sarado

Layunin nito ang makatipid sa enerhiya at gastusin. Mananatili namang bukas ang mga tanggapang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo.

Para sa mga transaksyon, bumisita sa mga opisina sa loob ng bagong oras ng operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

09/03/2026

Small Changes = Big Wins for Bayambang! 💡🌍

Kailanman ay hindi naging "maliit" ang pagtitipid. Tandaan, every kilowatt saved is a step toward a cleaner, greener community.

As we work together to build a more resilient municipality, let us practice mindful energy consumption in our homes and offices.

🌱 Think Green.
⚡ Save Energy.
🏘️ Love Bayambang.

Let’s build a kinder and sustainable future together, one green choice at a time!!


📜 Republic Act No. 11313 – Safe Spaces Act (Anti-Bastos Law)Ang Safe Spaces Act ay isang batas sa Pilipinas na naglalayo...
07/03/2026

📜 Republic Act No. 11313 – Safe Spaces Act (Anti-Bastos Law)

Ang Safe Spaces Act ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang lahat ng tao laban sa gender-based sexual harassment sa kalsada, pampublikong lugar, internet, workplace, at paaralan.

Tinatawag din itong Anti-Bastos Law dahil pinaparusahan nito ang mga bastos, mapang-abuso, o sexual na kilos o salita na nagdudulot ng takot, kahihiyan, o discomfort sa ibang tao.

Layunin ng batas na ito na tiyakin na ang bawat tao—babae, lalaki, o miyembro ng LGBTQ+—ay may ligtas at respetadong espasyo sa lipunan.

1️⃣ Gender-Based Sexual Harassment sa Streets at Public Spaces

Ito ay tumutukoy sa anumang bastos o sexual na kilos o salita na ginagawa sa pampublikong lugar tulad ng:
•kalsada
•park
•mall
•restaurant
•terminal
•jeep, bus, o tricycle

❗Mga Halimbawa ng Bawal na Gawain

•Catcalling – pagsipol o pagsigaw ng bastos na komento sa isang tao
•Wolf-whistling – pagsipol na may sexual na kahulugan
•Pagbibigay ng sexual na komento sa katawan
•Paghingi ng personal information nang paulit-ulit kahit ayaw ng tao
•Bastos na gestures o sexual jokes
•Paghipo o pagdikit ng katawan nang walang pahintulot

❗Halimbawa ng Sitwasyon

Halimbawa, may babaeng naglalakad sa kalsada papuntang trabaho. May lalaking sumigaw ng:
“Hi miss! Ang sexy mo naman, sama ka sa akin mamaya!”

Kung paulit-ulit itong ginagawa at nagdudulot ng takot o discomfort sa babae, ito ay sexual harassment na saklaw ng Safe Spaces Act.

2️⃣ Mas Mabigat na Sexual Acts sa Public Spaces

Mas seryosong paglabag ang mga sumusunod:
•paglabas ng ari sa publiko (flashing)
•public ma********on
•paghipo o pagkapkap sa katawan
•bastos na body gestures

Halimbawa
Habang nasa jeep ang isang babae, may lalaking sinadyang humawak sa kanyang hita o puwetan. Kahit isang beses lang nangyari, maaari itong ituring na sexual harassment at may kaukulang parusa.

3️⃣ Gender-Based Online Sexual Harassment

Ang harassment ay maaari ring mangyari sa internet o social media.

❗Mga Halimbawa
•pagpapadala ng bastos na sexual messages
•pag-upload ng private photos nang walang consent
•cyberstalking o pag-monitor sa social media ng isang tao
•pagpapakalat ng edited sexual photos o videos

Halimbawa ng Sitwasyon
Isang lalaki ang patuloy na nagme-message sa Facebook ng isang babae ng mga sexual na salita at larawan kahit malinaw nang sinabi ng babae na tumigil na siya.
Ito ay online sexual harassment at may mabigat na parusa.

4️⃣ Sexual Harassment sa Workplace

Ang harassment ay maaari ring mangyari sa opisina o trabaho.
Ito ay kapag may:
•sexual advances
•paghingi ng sexual favor
•bastos na messages o jokes sa trabaho
•paghipo o pagyakap nang walang pahintulot

Halimbawa
Isang supervisor ang nagsabi sa kanyang empleyado:
“Kung gusto mong ma-promote, samahan mo muna ako sa hotel.”
Ito ay malinaw na sexual harassment dahil ginagamit ng superior ang kanyang posisyon para sa sexual favor.

5️⃣ Sexual Harassment sa Schools
Protektado rin ng batas ang mga estudyante at g**o laban sa harassment sa paaralan.

Halimbawa
•teacher na nagpapadala ng sexual messages sa student
•student na nangha-harass ng kaklase
•bastos na comments sa classroom

Halimbawa ng Sitwasyon
Isang g**o ang nagcha-chat sa kanyang estudyante sa gabi at sinasabihan ito ng:
“Ang ganda mo sa uniform mo, bagay sa’yo.”

Kung may sexual intention at nagdudulot ng discomfort sa estudyante, maaari itong ituring na sexual harassment.

6️⃣ Mga Ahensyang Nagpapatupad ng Batas
Ang pagpapatupad ng batas na ito ay pinangungunahan ng:
•Philippine National Police
•Department of the Interior and Local Government
•Philippine Commission on Women
•Mayroon ding Women and Children Protection Desk sa mga police station kung saan maaaring magreklamo ang biktima.

📌 Ang Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act ay mahalagang batas na naglalayong:
✔ Pigilan ang bastos at sexual harassment
✔ Protektahan ang mga tao sa public spaces, online, workplace, at schools
✔ Magbigay ng parusa sa mga lumalabag
✔ Magbigay ng proteksyon at suporta sa mga biktima
Sa madaling salita, ang layunin ng batas na ito ay gawing ligtas at may respeto ang bawat lugar para sa lahat ng tao.

05/03/2026

PABATID PUBLIKO

MUNICIPAL ORDINANCE NO. 13 SERIES OF 2025

CURFEW PARA SA MENOR DE EDAD (17 TAONG GULANG PABABA) MULA ALAS NUWEBE NG GABI (9:00 PM) HANGGANG ALAS KWATRO NG MADALING ARAW (4:00 AM) AY IPAPATUPAD NA SA BAYAMBANG!

LAYUNIN NITO ANG KALIGTASAN NG MGA BATA MULA SA MASASAMANG IMPLUWENSYA GAYA NG PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT AT PAG-INOM NG ALAK SA LANSANGAN AT MAPROTEKTAHAN SILA SA KRIMEN AT IBA PANG PANGANIB.

MGA PARUSA SA MGA MAGULANG/GUARDIAN NA PABAYA SA MGA ANAK NA MENOR DE EDAD:

• UNANG PAGLABAG: IPATAWAG ANG MGA MAGULANG O GUARDIAN PARA SA PAGPAPAYO (COUNSELLING) SA MENOR DE EDAD.

• IKALAWANG PAGLABAG: MULTA NA ₱1,000 O KULONG NA HINDI HIHIGIT SA 30 ARAW O PAREHO SA PAGPAPASYA NG HUKUMAN.

• IKATLONG PAGLABAG: MULTA NA ₱2,500 O KULONG NG 60 ARAW, O PAREHO SA PAGPAPASYA NG HUKUMAN.

PINAPAYAGAN LAMANG ANG MGA MENOR DE EDAD SA NASABING ORAS KUNG:
• MAY KASAMANG MAGULANG O LEGAL GUARDIAN
• MAY LEHITIMONG DAHILAN AT MAGPAPAKITA NG KAUKULANG DOKUMENTO

REFERENCES:
• SANGGUNIANG PANLALAWIGAN RESOLUTION NO. 136-2026
• MUNICIPAL ORDINANCE NO. 13 SERIES OF 2025

01/03/2026

PANAWAGAN

Nananawagan ang LGU Bayambang sa mga kinauukulang ahensya, partikular ang DepEd, mga Barangay Council, at Municipal Federated Parents-Teachers' Association (MFPTA) na agarang paigtingin ang pagbibigay-paalaala sa kanilang mga nasasakupang barangay constituents at mga estudyante hinggil sa pag-iwas sa pagligo sa ilog, lalo na kung walang sapat na gabay at seguridad.

Ang panawagang ito ay bunsod ng naganap na malagim na insidente kamakailan kung saan may mga estudyanteng nasawi dahil sa pagkalunod. Layunin ng LGU na maiwasang maulit ang ganitong trahedya sa pamamagitan ng mas pinaigting na information dissemination at pakikipagtulungan ng bawat sektor ng komunidad.

Mahigpit na hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating mga kabataan at mamamayan, at isapuso ang mga paalala upang mapangalagaan ang buhay ng bawat isa.

- LGU-Bayambang

25/02/2026
18/02/2026

MAHALAGANG PAALALA MULA SA LGU BAYAMBANG:

Ang ating pamahalaan ay kaisa sa pagtataguyod ng karapatan at proteksyon ng bawat bata, maging sila ay nasa loob pa lamang ng sinapupunan o di kaya’y bagong silang. Nais naming paalalahanan ang lahat ukol sa mga legal na aspeto at mga opsyong makatutulong sa mga magulang na dumaranas ng krisis.

HUWAG GUMAWA NG KRIMEN

Sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) ng Pilipinas, ang pagkitil sa buhay ng bata ay isang mabigat na krimen na may kaukulang parusang pagkabilanggo:

* ABORTION: Mahigpit na ipinagbabawal ang sadyang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa ilalim ng Art. 256-259 ng Revised Penal Code. Ang sinumang napatunayang gumawa nito—maging ang ina, doktor, o sinumang tumulong—ay mahaharap sa kasong kriminal at matagal na pagkakakulong.

*INFANTICIDE: Ang pagpatay sa isang sanggol na wala pang tatlong (3) araw o 72 oras ang edad ay itinuturing na Infanticide. Sa ilalim ng Art. 255 ng Revised Penal Code, ang parusa dito ay katumbas ng parusa sa Parricide o Murder.

PROTEKSYON SA MGA INA AT BATA

Hindi solusyon ang karahasan sa gitna ng pangamba o kawalan ng kakayahang magpalaki ng anak. Ang ating gobyerno ay may mga mekanismo upang siguraduhin ang kaligtasan ng bata at ng ina:

1. ADMINISTRATIVE ADOPTION (R.A. 11642): Kung sa tingin ninyo ay hindi ninyo kayang gampanan ang pagiging magulang, maaari ninyong ilapit ang bata sa National Authority for Child Care (NACC) o sa DSWD. Ang proseso ng Domestic Administrative Adoption ay ginawa nang mas mabilis at simple upang masig**o na ang bata ay mapupunta sa isang mapagmahal at legal na pamilya.

2. SAFE HAVEN PROVIDERS (R.A. 11767): Sa ilalim ng Foundling Recognition and Protection Act, ang isang magulang na hindi kayang alagaan ang kanyang sanggol (30 araw pababa ang edad) ay maaaring iwanan ang bata sa mga Safe Haven Providers gaya ng:
* Mga lisensyadong Child-Caring Agencies
* Mga simbahan
* Mga pasilidad ng DOH (Hospitals, Rural Health Units, Barangay Health Stations)
* Mga pasilidad ng LGU (MSWDO o residential care centers)

TANDAAN: Ang pag-iwan sa bata sa mga awtorisadong lugar na ito ay hindi ituturing na krimen(abandonment), basta’t nasunod ang tamang proseso para sa kaligtasan ng sanggol.�

SAAN MAAARING HUMINGI NG TULONG?

Huwag mag-atubiling kumonsulta sa kinauukulan. Ang inyong pagkakakilanlan ay mananatiling confidential at ligtas. Maaring dumunog sa:
📍 Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
📍 Local Health Offices o Rural Health Units
📍 Women and Children Protection Desk (WCPD) sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya

Kabaleyan, hindi mo kailangang mag-isa. May mga legal at ligtas tayong hakbang upang matiyak ang proteksyon at magandang kinabukasan ng iyong anak.

Bawat Bata, May Karapatan.
Bawat Buhay, May Halaga.

11/02/2026

May mga laban na tahimik lang—pero sobrang bigat.
Kung ikaw ‘to, pakinggan mo muna ‘to sandali.
Nandito kami—nakikita ka, naririnig ka, may nagmamalasakit sa’yo palagi.
Pagod ka na? Okay lang magpahinga.
Pagod ka lang—hindi ka talo, hindi ka talunan sa buhay na ‘to.
Hindi mo kailangang mag-isa sa dilim.
May karamay ka, may kasama ka sa bawat hakbang at paghinto.
Kapit lang, kaibigan—may pag-asa pa, may bukas pang darating.
Please stay. Mahalaga ka.
Dito sa Bayambang, may handang makinig sa kwento mo.
Walang halong panghuhusga—ligtas ka, makakaasa ka.
Isang pindot lang… may kakampi ka na.
Narito ang mga sumusunod na hotline:

NCMH Crisis Hotline 1553
0919-057-1553
1800-1888-1553
0917-899-8727
0917-899-USAP

RHU I (075)633-0169
RHU II (075)634-5763
RHU III09773740408
RHU IV 09235424460

#4357

Address

Roxas Street Zone II, Pangasinan
Bayambang
2423

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor's Action Center - LGU Bayambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category