Balon Bayambang

  • Home
  • Balon Bayambang

Balon Bayambang This is the official page of the Municipality of Bayambang, Pangasinan, managed by the Public Information Office.
(260)

Follow us for real-time government updates, public service announcements, and community news.

Road Safety, Pinagtibay sa Pagdaan ng Tour de Pangasinan Cycling Competition sa BayambangNagtulungan ang mga traffic enf...
12/06/2026

Road Safety, Pinagtibay sa Pagdaan ng Tour de Pangasinan Cycling Competition sa Bayambang

Nagtulungan ang mga traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office at mga tauhan ng Task Force Disiplina (TFD) at Bayambang Police Station upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa mga pangunahing lansangan ng bayan kaugnay ng pagdaraos ng Tour de Pangasinan ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, 2026.

Maagang nag-deploy ng mga personnel sa mga rutang dinaanan ng karera ng mga siklista upang magsagawa ng traffic management, crowd control, at pag-aalis ng mga sagabal sa kalsada. Layunin nitong mapanatiling ligtas ang mga kalahok sa paligsahan gayundin ang mga motorista at mamamayang maaapektuhan ng aktibidad.

Nagsagawa rin ang mga kinauukulang ahensya ng masusing pagmamanman sa mga pangunahing interseksyon at kritikal na bahagi ng ruta upang masig**o ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang anumang insidente habang isinasagawa ang cycling event.

Dahil sa maagap na koordinasyon at pagtutulungan ng mga law enforcement at public safety personnel, naging maayos at ligtas ang pagdaan ng mga kalahok ng Tour de Pangasinan sa nasasakupan ng Bayambang.

Ang bayan ng Bayambang ay kinikilalang "home of the father of Philippine cycling" na si Atty. Geruncio 'Gerry' Lacuesta. (RSO; TFD)

Pagmamahal sa Bayan at Paninindigan sa Kalayaan, Tampok sa Paggunita ng Bayambang sa Ika-128 Araw ng Kalayaan Sa makahul...
12/06/2026

Pagmamahal sa Bayan at Paninindigan sa Kalayaan, Tampok sa Paggunita ng Bayambang sa Ika-128 Araw ng Kalayaan

Sa makahulugang pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong araw, ika-12 ng Hunyo 2026, sa Balon Bayambang Events Center, muling pinagtibay ng bayan ng Bayambang ang wagas na pagpapahalaga sa mga adhikain ng ating mga bayani at ang matatag na pangakong maipapasa sa susunod na henerasyon ang isang bansang tunay na malaya, maunlad, matatag, at puno ng pag-asa.

Nagsimula ang programa sa marubdob na pag-awit ng mga "Lupang Hinirang," "Himno ng Lalawigan ng Pangasinan," at "Himno ng Bayambang" na pinangunahan ng St. Vincent Ferrer Parish Choir at pumukaw sa damdaming makabayan ng bawat dumalo.

Sinundan ito ng makulay at makahulugang pagtatanghal ng Matalunggaring Dance Troupe, kung saan ipinakita sa pamamagitan ng sayaw ang mayamang kultura ng isang malayang pamayanan. Ang kanilang pagtatanghal ay nagdagdag ng higit pang sigla at diwang makabayan sa buong seremonya.

Ang pagtitipun-tipong ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng Bayambang ay isa na namang pagpaparangal at pagpupugay sa makasaysayang araw na ito nang may pusong puno ng pasasalamat, sigla, at maalab na damdaming makabayan.

Pinangunahan ang aktibidad nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan. Nakibahagi rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng iba’t ibang kagawaran at yunit ng pamahalaan, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, mga punong-g**o at g**o mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan, mga Punong Barangay at opisyal ng mga barangay, mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan, pati na rin ang mga opisyal PNP at BFP.

Sa kaniyang inspirasyunal na talumpati, ibinahagi ni Mayor Quiambao ang tunay na kahulugan ng kalayaan sa kasalukuyang panahon. Ayon sa kaniya, “Ang kalayaan sa makabagong panahon ay hindi lamang isang pribilehiyong tinatamasa natin; ito ay isang mabigat ngunit marangal na pananagutan. Ito ay hindi lamang ipinagdiriwang sa isang araw lamang, kundi isang araw-araw na pagsisikap, isang uri ng rebolusyon laban sa katiwalian, laban sa korapsyon, at laban sa kawalan ng malasakit sa kapwa at sa bayan.”

Binigyang-diin din niya na ang tunay na diwa ng kalayaan ay nasusukat hindi lamang sa kawalan ng dayuhang mananakop, kundi sa kakayahan ng bawat mamamayan na mag-ambag sa kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa ng lipunan. Ayon pa sa alkalde, ang kalayaan ay nangangahulugan din ng karapatang magkaroon ng maayos na pamumuhay, edukasyon, at pagkakapantay-pantay, na dapat ingatan at ipaglaban ng bawat isa.

Ang paggunita sa Araw ng Kalayaan, ayon naman kay Vice-Mayor Sabangan, ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay hindi kusa lamang dumating, kundi ito ay bunga ng dugo, pawis, at sakripisyo ng ating mga ninuno na inalay ang kanilang buhay para sa ating kinabukasan. Higit pa sa isang makasaysayang okasyon, ito ay isang matinding panawagan sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang ipinaglaban ng mga bayani: ang diwa ng pagkakaisa, katapatan sa tungkulin, at wagas na pagmamahal sa bayan.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng pangwakas na mensahe ang Pinuno ng Komite sa Turismo ng SB na si Kagawad Nazer Jan David B. Junio. Hinimok niya ang lahat na isabuhay ang aral ng araw na ito at gawing gabay sa pang-araw-araw na gawain ang pagiging mabuting mamamayan.

Ang programa ay maayos na inorganisa ng Municipal Tourism Information, and Cultural Affairs Office, sa tulong ng iba't ibang departamento at ahensya. (Gwyneth Villanueva, VMF/RSO; RobC, AG)

"Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB HearingNagsagawa ng pagdinig ang Committee on ...
12/06/2026

"Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB Hearing

Nagsagawa ng pagdinig ang Committee on Transportation and Communication ng Sangguniang Bayan ng Bayambang kaugnay ng kahilingan para sa appointment at dayalogo hinggil sa ipinatutupad na “salang arrangement” sa mga terminal ng apat na transport groups sa bayan.

Pinangunahan ni Councilor Zerex T. Terrado, Chairman ng Committee on Transportation and Communication, ang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Bayambang Police Station, at iba pang concerned offices upang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa sistema ng pagsasalang ng mga pampasaherong sasakyan sa mga terminal ng Bamacada, Baymaldag, New Bayambang ETC, at Baymacada.

Sa pagdinig, inilahad ng mga kinatawan ng transport groups ang kani-kanilang mga saloobin, obserbasyon, at mungkahi upang mapanatili ang kaayusan at patas na operasyon sa mga terminal. Tinalakay rin ang mga umiiral na alituntunin at ang mga posibleng hakbang upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapabuti ang serbisyo sa mga mananakay.

Nagbigay naman ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa pamamagitan ni BPSO Deputy Officer, 1Lt Amory M. Junio at Bayambang Municipal Police Station Chief, PLtCol Rommel P. Bagsic. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon ng lahat ng sektor upang matiyak ang kapayapaan, kaligtasan, at maayos na daloy ng transportasyon sa bayan.

Naging mabunga ang talakayan at nagbukas ng pagkakataon para sa mas malalim na pag-uusap sa pagitan ng mga transport groups at ng lokal na pamahalaan. Inaasahang magsisilbing gabay ang mga rekomendasyong nabuo sa pagdinig sa pagbalangkas ng mga angkop na hakbang at polisiya para sa kapakanan ng mga transport operators, drayber, at ng riding public ng Bayambang. (RSO; photos by SB)

Grupong BTS, May Bagong Outreach ActivitiesAng grupong BTS o Born to Serve ay nagsagawa ng dalawang outreach activities,...
12/06/2026

Grupong BTS, May Bagong Outreach Activities

Ang grupong BTS o Born to Serve ay nagsagawa ng dalawang outreach activities, sa pakikipag-ugnayan sa MSWDO, MNAO, at GSO.

Una ay ang Balik Eskwela program kung saan sila ay namigay ng libreng mga kagamitan sa eskwelahan sa 66 na estudyante ng Cason Elementary School at Amancosiling Elementary School ngayong araw, Hunyo 12 2026.

Noong Mayo 30, 2026 naman, sila ay nagsagawa ng isang feeding activity sa Balon Bayambang Events Center para sa mga children with disability (CWD) at undernourished children, kung saan sila ay may benepisyaryong 30 CWD at 5 undernourished children. (RSO; BTS)

11/06/2026

128th Philippine Independence Day

MALAYA NOON. MAY PANANAGUTAN NGAYON. 🇵🇭Sa bawat pagwagayway ng ating watawat ay buhay ang alaala ng mga bayaning nag-ala...
11/06/2026

MALAYA NOON. MAY PANANAGUTAN NGAYON. 🇵🇭

Sa bawat pagwagayway ng ating watawat ay buhay ang alaala ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamtan natin ang kalayaang tinatamasa ngayon.

Ngunit ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan—ito ay hamon sa kasalukuyan. ...Hamon na maging mabuting mamamayan, maging tapat sa tungkulin, at maging bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.

Sa ika-128 na Araw ng Kalayaan, sama-sama nating ipagdiwang hindi lamang ang ating kasaysayan kundi ang ating kakayahang magkaisa, maglingkod, at mangarap para sa mas maunlad na Bayambang at Pilipinas.

Habang may pusong handang magmahal sa bayan, mananatiling buhay ang diwa ng kalayaan.

Maligayang Araw ng Kalayaan, Bayambang! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭



Mas Pinalawak na Oportunidad at Mas Epektibong Serbisyo para sa mga Bayambangueño, Tinutukan sa BPRP Recalibration "Nasa...
11/06/2026

Mas Pinalawak na Oportunidad at Mas Epektibong Serbisyo para sa mga Bayambangueño, Tinutukan sa BPRP Recalibration

"Nasaan na tayo sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan? Ano pa ang mga dapat nating gawin upang walang maiwang Bayambangueño?"

Ito ang mga mahahalagang tanong na sama-samang sinikap sagutin ng mga kalahok sa isang workshop na inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) upang matiyak na ang mga susunod na hakbang ng bayan ay patuloy na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan at magdadala ng mas inklusibong kaunlaran para sa bawat Bayambangueño at mawakasan ang kahirapan sa bayan.

Patuloy na pinagtitibay ng LGU-Bayambang ang mga programa at estratehiya laban sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) Recalibration: A Multi-Sectoral Workshop on Sustaining Poverty Reduction in Bayambang na ginanap mula Hunyo 10 hanggang 11 sa Balon Bayambang Events Center.

Pinangunahan ni Dr. Cezar T. Quiambao, SATOM, at kinikilalang ama ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, ang pagbubukas ng workshop at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang mga nakamit na tagumpay ng Bayambang upang mawakasan ang kahirapan. Sa kanyang mensahe, hinikayat naman ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang lahat ng sektor na ipagpatuloy ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa.

Binigyang-diin ni Municipal Administrator at BPRAT Chairperson, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang kahalagahan ng workshop sa paglalagay sa tamang perspektiba ng mga susunod na hakbang ng bayan, habang inilahad ni Municipal Planning and Development Officer Ryan James Nichola L. Dizon ang kasalukuyang estado ng pagpapatupad ng limang sectoral agenda. Tinalakay naman ni ICT Officer Ricky V. Bulalakaw ang mga natitirang puwang at hamon na dapat tugunan sa mga susunod na taon.

Sa loob ng dalawang araw, sinuri ng mga department heads, focal persons, at mga representante ng basic sectors ng lipunan (senior citizen, magsasaka, kabataan, PWD, atbp.) ang kasalukuyang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng limang pangunahing karapatan ng mahihirap ayon sa Magna Carta of the Poor (MCP)—ang karapatan sa sapat na pagkain, disenteng trabaho, dekalidad na edukasyon, maayos na pabahay, at mataas na antas ng serbisyong pangkalusugan.

Tinalakay rin ang mga natitirang hamon at mga napansing kakulangan upang makabuo ng mga kongkretong hakbang para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa mamamayan.

Nagkaroon din ng workshop reporting at open forum kung saan nagbahagi ng mga rekomendasyon ang iba't ibang sektor upang higit pang mapalawak ang oportunidad at serbisyong makatutulong sa mga Bayambangueño.
Napanood din ng mga kalahok ang mga naging tagumpay ng bayan sa nakalipas na pitong taon sa pamamagitan ng video presentation ng ika-7 anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

Bilang bahagi ng workshop, 30 na kalahok ang nabigyan ng grocery packages bilang token. Nagbigay din si Mayor Niña Jose-Quiambao ng tig-P1,000 cash sa limang kalahok na masiglang nakibahagi sa workshop.

Sa pagtatapos ng aktibidad sa unang araw, nilagdaan ng mga kalahok ang isang covenant document bilang simbolo ng kanilang sama-samang pangako na ipagpatuloy ang mga programang naglalayong maiangat ang kalidad ng buhay ng bawat Bayambangueño.

Sinimulan ang ikalawang araw sa briefing kasama si Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ang lahat ng department at unit heads upang talakayin ang mga kinakailangang adjustments sa implementasyon ng mga programa. Sinundan ito ng consolidation ng workshop outputs at finalization ng MCP Rights-Based Sectoral Plans ng mga propesor mula sa Paangasinan State University-Bayambang Campus, kung saan pinagsama-sama at inayos ang mga naging resulta ng talakayan upang masig**ong nakatuon ito sa karapatan at pangangailangan ng mamamayan.

Nagkaroon din ng reporting ng mga department heads ukol sa mga natukoy na gaps at rekomendasyon, habang nagsagawa ang NAPC ng workshop synthesis upang ibuod ang kabuuang resulta ng dalawang araw na aktibidad.

Tinapos ang aktibidad sa Ways Forward presentation ni Atty. Sagarino-Vidad, kung saan inilatag ang mga susunod na hakbang para sa mas tuluy-tuloy at mas inklusibong pagpapatupad ng BPRP para sa kapakanan ng bawat Bayambangueño. (KBP/RSO; JLT, AG, Rob C.)

Tulong Pinansyal, Ipinamahagi sa 7,676 na Magsasaka ng BayambangIpinamahagi ang isang tulong pinansyal sa ilalim ng Pres...
11/06/2026

Tulong Pinansyal, Ipinamahagi sa 7,676 na Magsasaka ng Bayambang

Ipinamahagi ang isang tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa may 7,676 na magsasaka mula sa bayan ng Bayambang. Nakatakda namang makatanggap ang mga mangingisda sa iskyedul na ilalabas ng BFAR.

Isinagawa ang payout activity noong Hunyo 9 hanggang Hunyo 10, 2026 sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang programang ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 11, Series of 2026 ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture at sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office, sa layuning makatulong sa mga magsasaka at mangingisda na nahaharap sa mga hamong dulot ng kasalukuyang krisis pangkabuhayan at pang-ekonomiya sa bansa.

Ayon sa mga alituntunin ng programa, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱2,325.00 bilang ayuda sa harap ng paglaki ng gastusin sa pagsasaka at pangingisda, kabilang ang pagbili ng mga kinakailangang kagamitan at iba pang pangangailangan sa produksyon, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Upang maging kwalipikado sa programa, kinakailangang nakarehistro ang mga benepisyaryo sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at maging kabilang sa alinman sa mga sumusunod na kategorya:

- magsasaka ng palay - aktibong nagsasaka sa panahon ng pagbabago sa merkado, may sakahang hindi hihigit sa dalawang ektarya, at rehistrado sa RSBSA;
- magsasaka ng mais at tubo – aktibong nagtatanim ng mais o tubo at may wastong pagpaparehistro sa RSBSA;
- mangingisda – nakarehistro sa RSBSA-BoatR at kasalukuyang aktibong nagsasagawa ng gawaing pangingisda.

Bukod sa karaniwang proseso, may mga tiyak na kinakailangan para sa mga magsasakang BEDRIDDEN o NASA OSPITAL:

- mga dokumentong medikal na pinatunayan ng itinalagang technician o opisyal ng Municipal Agriculture Office;
- kopya ng pagkakakilanlan (ID) ng benepisyaryo at ng kinatawang kukuha ng tulong;
- patunay ng ugnayan sa benepisyaryo;
- larawan ng benepisyaryong nakaratay na pinatunayan ng itinalagang tekniko o opisyal ng tanggapan; at
- nakumpletong form ng RSBSA na pinunan ng pinakamalapit na kamag-anak.

Para naman sa mga YUMAO na benepisyaryo (na pumanaw simula Abril 15, 2026 hanggang sa kasalukuyan):

- sertipiko ng pagkamatay;
- patunay ng ugnayan sa benepisyaryo (tulad ng Sertipiko ng Kapanganakan, Kontrata ng Kasal, o Katibayan mula sa Barangay);
- kopya ng pagkakakilanlan ng benepisyaryo at ng kinatawang kukuha ng tulong; at
- nakumpletong form ng RSBSA na pinunan ng pinakamalapit na kamag-anak.

Sa mga hindi nakapag claim ng nasabing assistance, matatanggap nila ito sa itatakdang iskyedul mula sa DA RO1.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong ng programang ito upang mapagaan ang pinansyal na pasanin ng mga magsasaka at mangingisda, na kabilang sa mga pangunahing sektor na nagbibigay ng pagkain at kabuhayan sa komunidad.

Samantala, umalalay din sa aktibidad ang Task Force Disiplina (TFD) sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng dalawang araw na programa sa pangunguna ni TFD Deputy Officer, Lt. Amory Junio, katuwang ang iba pang kawani ng lokal na pamahalaan, upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pamamahagi ng ayuda sa libu-libong benepisyaryong magsasaka at mangingisda. (VMF/RSO; JMB)

11/06/2026

GIVE DAD THE GIFT OF GOOD HEALTH THIS FATHER'S DAY!

This Father’s Day, show your love and appreciation by helping the special men in your life prioritize their health.

Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center, Inc. is offering a FREE PROSTATE CONSULTATION for male individuals 55 years old and above.

Take this opportunity to encourage your father, grandfather, or loved one to have their prostate health checked and receive expert medical advice from our specialist. Because every father deserves quality healthcare, peace of mind, and the chance to enjoy more healthy years with the people who love him most.

Register now!

For inquiries, contact:
📞 Customer Service: 0917-153-3035
🕖 7:00 AM – 7:00 PM
🌐 jkqmwc.com
🚑 Emergency Hotline (24/7):
📞 0917-166-5223



ABISO SA PUBLIKOJUNE 8, 2026 | MONDAYSUPORTAHAN ANG LOKAL. BILHIN ANG ANI NG BAYAMBANG.Mula sa pawis, sipag, at tiyaga n...
10/06/2026

ABISO SA PUBLIKO

JUNE 8, 2026 | MONDAY

SUPORTAHAN ANG LOKAL. BILHIN ANG ANI NG BAYAMBANG.

Mula sa pawis, sipag, at tiyaga ng ating mga lokal na magsasaka, hatid sa inyo ang mga sariwa at de-kalidad na gulay at prutas na direktang inani mula sa mga bukirin ng Bayambang.

Sa bawat pagbili, hindi lamang kayo nag-uuwi ng masustansyang pagkain para sa inyong pamilya--kayo rin ay nagbibigay ng suporta at pag-asa sa ating mga magsasakang patuloy na nagsisikap upang matiyak ang sapat na pagkain sa ating komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at palakasin ang lokal na agrikultura habang tinatangkilik ang sariwa, ligtas, at abot-kayang produkto.

GILID NG MUNICIPAL HALL (LEGISLATIVE BUILDING)
JUNE 15, 2026 (LUNES)
8:00 am - 5:00 pm

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at mamili. Ang inyong simpleng pagbili ay malaking tulong sa ating mga magsasaka at sa patuloy na pag-unlad ng Bayambang.

MAGSASAKA ANG BIDA, MAMIMILI ANG KAAGAPAY.

KITA-KITS PO TAYO!

Mangyari po lamang na magdala ang lahat ng bibili ng kanilang sariling eco-bag. Maraming salamat po sa pakikiisa sa pagsunod sa batas pangkalikasan.

Address


Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balon Bayambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Balon Bayambang:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share