22/02/2026
TAGUMPAY NG MGA CAMPUS JOURNALIST SA DSPC 📰✨
Naghatid ng karangalan sa paaralan ang mga piling mag-aaral matapos magwagi sa iba’t ibang kategorya ng Division Schools Press Conference (DSPC), na ginanap kamakailan.
Nakamit ni JADE ANN B. TAMONDONG ang Ikatlong Pwesto sa Copy Editing and Proofreading, tagumpay na nagbigay sa kanya ng kwalipikasyon para sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Ipinamalas niya ang husay sa wastong gamit ng wika at masinop na pagwawasto ng teksto.
Samantala, pumuwesto sa Ikaanim na Pwesto si REAVEN BENEDICT C. BENE sa Editorial Cartooning, kung saan naipahayag ang mga napapanahong isyu sa malikhaing paraan sa pamamagitan ng sining biswal.
Hindi rin nagpahuli ang TRISHA MAE P. TAMONDONG na nagtamo ng Ika-siyam na Pwesto sa News Writing–Filipino, patunay ng kahusayan sa pagsulat ng makatotohanan at makabuluhang balita sa wikang Filipino.
Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng masinop na paghahanda at gabay ng kanilang tagapagsanay na si Gng. Genalyn S. Allado, at ng walang sawang suporta ng Punong-Guro na si Gng. Fe P. Balbin. Gayundin, hindi matatawaran ang tulong at inspirasyon ng mga magulang at paaralan.
Tunay na patunay ito na patuloy na namamayagpag ang kultura ng pamamahayag sa hanay ng kabataang mamamahayag.
Mabuhay at pagbati sa ating mga campus journalists! 🎉
Padayon tungo sa mas mataas na antas ng tagumpay.