Sangguniang Kabataan ng Barangay Bacnono

Sangguniang Kabataan ng Barangay Bacnono Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay Bacnono, Government Organization, Bacnono Bayambang Pangasinan, Bayambang.

28/10/2023

SANGGUNIANG KABATAAN NG BACNONO (2018-2023) Projects and Activities

Sa pagtatapos ng termino 2018-2023, narito ang IILAN LAMANG sa mga proyekto at aktibidad na nagawa ng Sangguniang Kabataan ng Bacnono para sa kabataan ng ating Barangay.

Marahil marami ang nagtataka at nagtatanong kung ano ang aming mga nagawa at nai-ambag sa ating Barangay. ‘Wag kayong mag-alala, dahil HINDI LAMANG PO SA MGA LIGA NAPUNTA ANG BUDGET ng SK Bacnono. Marami rin po itong kinapuntahan at natulungan.😁

Sa pangunguna ni SK Chairman John Francis A. Ferrer, SK Kagawads Argie M. Junio, Jamaica T. Carcha, Krishna Jane Tamondong , Arjay Pabunan, Pauline Joy Junio, Kimberly Reyes, Judy Ann Junio, SK Treas. Rachelle Dela Cruz at SK Sec. Paula Marie Urbien, kami'y taos pusong nagpapasalamat sa mahigit limang taon na pagsuporta at pagtitiwala sa aming Sanggunian. Natapos man ang aming termino, ngunit hindi matatapos ang aming pagmamahal at paglilingkod sa mga kapwa naming taga-Bacnono!🫶🏻

Maraming marami salamat ka-barangay!! 🫶

22/09/2023

OPISYAL NA PAHAYAG

Mariing kinokondena ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang insidente ng karahasan na naganap kahapon, Setyembre 21, 2023, sa Roxas St., Brgy. Magsaysay, sa pagitan ng dalawang estudyante ng Bayambang National High School (BNHS).

Anuman ang dahilan ng kanilang away, walang puwang sa isang sibilisadong komunidad ang anumang uri ng karahasan, lalo na sa mga kabataan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng LGU-Bayambang ang pangyayari, iniipon ang mga datos, at nakikipag-ugnayan sa mga barangay officials, BNHS, Philippine National Police, Bayambang District Hospital kung saan isinugod ang biktima, at mga magulang ng mga nasangkot, upang mabuo ang istorya sa likod ng insidente, matukoy ang salarin, na ngayon ay pinaghahanap ng batas, at planuhin ang mga nararapat na hakbang.

Ang biktima ay nasa mabuti nang kalagayan, matapos siyang itakbo sa ospital, at ginagawa ang lahat ng paraan ng LGU upang siya ay matulungan.

Pinapakiusapan ang lahat na huwag ikalat ang video ng insidente at mga larawan ng biktima, lalo na’t ang mga nasasangkot ay mga menor de edad.

Ang insidenteng ito ay nakakabigla, nakakalungkot, at di katanggap-tanggap, at panalangin namin ay hindi na muulit pa.

Nananawagan kami sa lahat ng magulang na gabayan ng wasto ang kanilang mga anak at sa lahat ng kabataan na lumapit sa mga otoridad at nakatatanda sa halip na gumamit ng dahas kung may nakaalitan.

Sinisiguro namin na mananagot sa batas ang sinumang gumamit ng dahas.

Today, we mourn the passing of our Barangay Captain 𝑯𝒐𝒏. 𝑭𝒆𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒅 𝑮. 𝑳𝒐𝒎𝒊𝒃𝒂𝒐. 🕊️You shall be remembered for your good w...
21/09/2023

Today, we mourn the passing of our Barangay Captain 𝑯𝒐𝒏. 𝑭𝒆𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒅 𝑮. 𝑳𝒐𝒎𝒊𝒃𝒂𝒐. 🕊️

You shall be remembered for your good works and deeds, for your work towards the success of our beloved Brgy. Bacnono.

May you rest easy in grace and love, kap! 🤍

From Sangguniang Kabataan Council.

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | 𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑩𝒂𝒄𝒏𝒐𝒏𝒐 𝒑𝒖𝒓𝒄𝒉𝒂𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒐𝒍𝒍𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒆𝒓𝒊𝒂𝒍𝒔:2 Computer Set2 Printer1 Podium
09/09/2023

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | 𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑩𝒂𝒄𝒏𝒐𝒏𝒐 𝒑𝒖𝒓𝒄𝒉𝒂𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒐𝒍𝒍𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒆𝒓𝒊𝒂𝒍𝒔:

2 Computer Set
2 Printer
1 Podium

07/09/2023

There is no great joy than saving a soul. I encourage everyone to show our love by donating blood.
Sa pagdodonate ng dugo ay may benepisyo ring naghihintay para sa ating pisikal at emosyonal na kalusugan.
Kaya’t tara na’t maging bahagi ng makulay na buhay ng ating kapwa. Markahan na sa kalendaryo ang araw ng Lunes, September 18.

Kitakits Kabaleyan! ❤️

05/09/2023

17,445 na estudyante mula sa mga pampublikong paaralang elementarya sa Bayambang ay nakatakdang tumanggap ng mga school supplies

04/09/2023

Address

Bacnono Bayambang Pangasinan
Bayambang
2423

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Bacnono posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Barangay Bacnono:

Share