01/06/2026
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay, sa pangunguna ni Mayor Michael M. Punzalan, ay pormal na ipinakilala ang mga manlalaro ng Team Bay Under-15 at Under-25 na magrerepresenta sa ating bayan sa nalalapit na Intertown Basketball Tournament.
Kasabay rin nito ang pagpapakilala sa kinatawang muse ng Bayan ng Bay, si Ms. Diane Alcantara, na magsisilbing inspirasyon at suporta sa ating mga koponan sa buong torneo.
Dumalo rin sa programa ang mga coaches ng Team Bay, ang LYDO Head na si Sir Aivin B. Nuguid, RSW, MPA, at ang SK Federation President na si Alfred Nean Canovas upang ipahayag ang kanilang buong suporta sa ating mga atletang Bayeño.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating mga manlalaro upang maipakita ang kanilang husay, disiplina, at pagmamalaki sa pagdadala ng pangalan ng Bayan ng Bay.
𝑴𝑨𝑳𝑨𝑺𝑨𝑲𝑰𝑻 𝑺𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑳𝑰𝑳𝑰𝑵𝑮𝑲𝑶𝑫 𝑺𝑼𝑺𝑰 𝑺𝑨 𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀-𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑺𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮 𝑵𝑮 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵 𝑵𝑮 𝑩𝑨𝒀!