30/11/2023
𝗦𝗞 𝗗𝗶𝗹𝗮 𝗙𝗶𝘃𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗧𝗲𝗿𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗙𝗬 𝟮𝟬𝟭𝟴-𝟮𝟬𝟮𝟯:
Maraming Salamat Kabataan. Ngayong araw ay takda ng huling araw ng ating panunungkulan sa Opisina ng SK Dila bilang unang batch ng RA 10742. Marami man kaming naging pagkukulang, sa gitna ng panggigipit, kawalan ng pondo, at disimpormasyon, nanatili tayong matatag na naglingkod sa kabataan, salamat sa limang taon ng pakikiisa at paglilingkod sa kabataan at sa bayan. Sa loob ng limang taon napagtagumpayan natin ang mga sumusunod:
✅ 𝟱𝟬+ 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀
✅ 𝟱 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀
✅ 𝟮 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗟𝗼𝗯𝗯𝗶𝗲𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀:
SOGIE SC Ordinance at Project Karunungan Ordinance
✅ 𝟱 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 (𝟯 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀):
-Philippine Outstanding SK Project Award: bit.ly/PSKA2021
-Seal of Good Youth Governance Gold Awardee: bit.ly/SGYG2021
-DILG Philippines Collection of Good Practice: bit.ly/DILGPHawards
-Natatanging Kabataang Lingkod Bayan (Bay Municipal)
-DOH Philippines Recognition
✅ 𝟰 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀: bit.ly/PKPhilStar | bit.ly/rapplerPHSKTalipapaOnline | bit.ly/PK2020report | bit.ly/Nextyouthleaders
at hindi mabibilang na tagumpay ng kabataan sa pakikilahok upang tumugon sa hamon ng panahon. Narito ang published written report ng SK Dila: https://heyzine.com/flip-book/cbf9b5ef6c.html
Nawa’y patuloy nating paglingkuran ang sektor ng kabataan at ang ating bayan. Sa ngalan ng mga taong nasa likod ng panunugkulan ng The Sanguniang Kabataan of Dila 2018-2023 sa loob ng limang taon kasama sina SK Councilors Kevin Bicoy, Jinky Talastasin, Julie Anne Tolentino, Princess Vidania, SK Sec. Nhel Dineros, SK Treas. Arjay Arboleda at SK Chairperson Roy Padrid, karangalan ng SK Dila na paglingkuran ang kabataan sa loob ng aming termino. Muli, maraming salamat kabataan, ito ang SK Dila FY 2018-2023 signing off.
Patuloy nating iwagayway ang galing ng Kabataan! Salamat, Kabataang Dila!