MSWD Bay Laguna

MSWD Bay Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MSWD Bay Laguna, Government Organization, 2nd Floor Chipeco Bldg. Municipality of Bay, Bay.

30/03/2026
25/03/2026
15/03/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Ipinababatid sa lahat ang pansamantalang iskedyul ng trabaho ng mga tanggapan sa ilalim ng Pamahalaang Bayan ng Bay kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr at paggunita ng Semana Santa, alinsunod sa mga umiiral na kautusan at proklamasyon ng pamahalaan.

Inaanyayahan ang publiko na gabayan ang mga petsa at oras na nakasaad sa anunsyong ito para sa maayos na pagproseso ng kanilang mga transaksyon sa munisipyo.

Para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa Bayan ng Bay!

09/03/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, Republic Act No. 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act, at CSC Memorandum Circular No. 06 s. 2022, ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bay ang Temporary 4-Day Workweek Arrangement bilang bahagi ng mga hakbang upang makatipid sa enerhiya at higit pang mapalakas ang energy conservation sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Kaugnay nito, ang lahat ng tanggapan sa ilalim ng LGU Bay ay inaasahang susunod sa itinakdang Flexible Work Arrangement na magsisimula Lunes hanggang Huwebes.

Ngayon araw, Marso 9, 2026, bukas ang bawat tanggapan ng Lokal na Pamahalan mula 8:00 AM hanggang 7:00 PM.

Simula Marso 10, 2026 hanggang sa susunod na abiso, ang opisyal na oras ng trabaho ay 7:00 AM hanggang 6:00 PM, katumbas ng 10 oras na trabaho bawat araw.

Gayunpaman, ang tanggapan ng Rural Health Unit (RHU) at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Emergency Response Unit ay magpapatuloy sa kanilang normal na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy at agarang pagbibigay ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan at pang-emerhensiya sa publiko.

Para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa Bayan ng Bay!

01/03/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026, inilalahad ng ating Lokal na Pamahalaan ang opisyal na Calendar of Activities na nagbibigay-pugay sa lakas, kakayahan, at mahalagang ambag ng kababaihan sa ating komunidad.

Sa temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” sama-sama nating isusulong ang pagkakapantay-pantay, igagalang ang karapatan ng bawat babae, at magtataguyod ng isang mas inklusibo at makatarungang lipunan para sa lahat.

Narito ang mga nakatakdang gawain:
March 2 – Ginang Bayeñas Sashing Ceremony
March 3 – Family Planning Services
March 6 – Opening Parade, Job Fair, at Indakan sa Kalye
March 10 – Medical Mission at Wellness Day
March 13 – Advocacy Campaign: GADtoKnow (Women’s Rights and Gender-Based Violence)
March 20 – Ginang Bayeñas Grand Coronation Night, Parangal sa Natatanging Kababaihan, at Awarding ng “Her Story Matters: Every Woman Has a Story Worth Telling”

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi sa mga gawaing ito bilang suporta sa patuloy na pagtataguyod ng karapatan, dignidad, at kapangyarihan ng kababaihan.

Sama-sama tayo — para sa kababaihan, para sa komunidad, para sa mas pantay at makatarungang lipunan.

27/02/2026

Ang 21 Child Development Centers (CDC) sa ating bayan ay tumatanggap na ng mga batang nais magpatala para sa darating na S.Y. 2026–2027. Lahat ng batang may edad na limang (5) taon pababa ay hinihikayat na mag-enroll sa ating mga Child Development Centers.

Dalhin ang mga sumusunod na requirements para sa mas mabilis na pagpapatala:
1. Isang kopya ng Birth Certificate
2. Isang kopya ng Immunization Record

Maaaring magsadya sa mga Child Development Centers sa inyong barangay tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

26/02/2026

Mga kababaihan ng Bayan ng Bay, ito na ang huling pagkakataon upang maibahagi ang inyong kwento ng katatagan, tagumpay, at inspirasyon.

🗓 Hanggang Pebrero 27, 2026 na lamang
⏰ Ganap na ika-1:00 ng hapon ang deadline

Mahigpit na ipatutupad ang takdang oras ng pagsusumite kaya tiyaking maipasa ang inyong entry bago sumapit ang itinakdang araw at oras.

Huwag palampasin ang pagkakataong marinig ang inyong tinig—dahil ang kwento mo, mahalaga.

Address

2nd Floor Chipeco Bldg. Municipality Of Bay
Bay

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 2pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639673627064

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWD Bay Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSWD Bay Laguna:

Share