31/08/2025
๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ, ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ | ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Isang makulay at makahulugang pagtatapos ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ang ginanap sa Bautista National High School noong Agosto 29, 2025, tampok ang pampinid na programa na naghatid ng mga pagtatanghal at parangal.
Pinakatampok sa naturang gawain ang ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kariktan, talino, at husay sa paggamit ng wikang Filipino. Sa pamamagitan ng kanilang pagsagot, talento, at karisma, naipakita nila ang papel ng kabataan bilang huwaran ng bagong henerasyon.
Dagdag pa rito, tumingkad din ang programa dahil sa pagpapamalas ng mga g**o sa kani-kanilang katutubong kasuotan, patunay ng kanilang aktibong pakikiisa sa pagdiriwang at sa adhikaing ipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Kabilang din sa mga inabangan ang pagpaparangal sa mga mag-aaral na nagwagi sa ๐ฆ๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ โ gaya ng malikhaing pagkukuwento, spoken word poetry, sabayang pagbigkas,, bidyokasiya, salin-awit, at salin-sayaw na nagpakita ng husay at malikhaing paggamit ng wika at sining.
Bagamaโt pormal nang winakasan ang buwan ng pagdiriwang, ang diwa ng paggamit, pagmamahal, at pagpapayaman sa wikang pambansa ay magpapatuloy sa bawat araw ng pagtuturo, pag-aaral, at pakikipag-ugnayan.
Muling pinatunayan ng pagdiriwang na ang ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ay hindi lamang isang selebrasyon na may simula at wakas, kundi isang tuloy-tuloy na paglalakbay tungo sa pagpapalalim ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
๐ธHULING BAHAGI