Barangay Aplaya

Barangay Aplaya Official page πŸ’š Sangguniang Barangay Ng Aplaya Bauan

Punong Barangay
Mr. Rey Marasigan De Chavez

Mga Kagawad ng Barangay
Ms. Nory Abanto
Mr. Mr.

Igo Abella
Mr. Frederick Baruc
Mr. Daril Castillo
Mr. Romulo Garcia
Ms. Geraldyn Marquez
Mr. Alex MaΓ±ibo

Sangguniang Kabataan Ng Barangay Aplaya

SK Chairperson
Ms. Jade Asilo Aguilera

Mga SK Kagawad ng Barangay
Ms. Monica Azucena
Ms. Zyrhene Kate Bayanay
Mr. Jenny AraΓ±o Cabungcal Jr. Joh Rigo Dimaculangan
Ms. Frances De Chavez
Mr. Renz Punzalan
Ms. Leighn Sulit

Mapagpalang araw po!Nais pong pasalamatan ng pamunuang barangay ang mga naging kabalikat, katulong, nakasama natin niton...
27/08/2026

Mapagpalang araw po!

Nais pong pasalamatan ng pamunuang barangay ang mga naging kabalikat, katulong, nakasama natin nitong mga nakaraang araw mula Agosto 8-18, sa kasagsagan ng mga masamang panahon (Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at ang pinalakas ng mga itong Habagat). Hanggang Agosto 23, para sa ating clearing operations sa mga naiwan ng bagyo sa ating baybayin.

Pasasalamat sa buong sangguniang brgy/mga konsehales, mga BHW, mga tanod, garbage crew, mga driver sa truck, brgy rescue,at SK Aplaya. Ganun rin po sa iba pang mga tumulong, lalo’t higit sa ating LGU sa pangunguna ng ating Nanay Mayora Wendah, at kanyang asawa na ating dating Mayor Ryanh na talaga namang lagi nating kaagad na kaagapay tuwi-tuwinang merong kalamidad. Sa ating MDRRMO head Mam Bel, MENRO head Mam Mavel, Acting Municipal Engr. Sir JP, sa buong Sangguniang bayan, PNP, BFP, PCG, dating Cong. Abu, Bokala Reina, dating Kon. Giman at iba pang mga indibidual na nagpa-abot ng kani-kanilang tulong sa ating brgy.

Lubos na pasasalamat rin po ng pamunuang brgy sa pamilya Bacong, magkakapatid na Mr Salvador, Mrs Regina, at kay Mr Berto Bacong na palaging isang pasabi lang ni Pang. Rey ay agad tayong napapahiram ng backhoe at dump truck para mapabilis ang clearing sa baybayin ng bolevard. Ganun rin po kay Mr Archie Aguirre, na isa rin sa masigasig na lagi rin tayong tinutulungan tuwing tayo ay my clearing operation sa naiiwan ng bagyo.

Muli po, maraming marami pong Salamat sa inyong lahat.

πŸ©·πŸ’šπŸ©·πŸ’š

Ngayong gabi mga 7.30pm po hanggang sa kasalukuyan ay nagpasimula na tayong magpa-backhoe ng ilog sa kahabaan ng daan da...
17/08/2026

Ngayong gabi mga 7.30pm po hanggang sa kasalukuyan ay nagpasimula na tayong magpa-backhoe ng ilog sa kahabaan ng daan dagat, nagkakarga na rin po ng mga basura na nakalabas na sa kalsada bilang bahagi pa rin po ng kahandaan ng pamunuang brgy, sa tulong narin po ng ating LGU at Bauan NDRRMO para sa patuloy na ulan na ating mararanasan pa sa mga susunod na oras. (As of 8pm tonight po ay RED RAINFALL WARNING na po ang Batangas province epekto pa rin po ng Habagat).

Manatili po ligtas at alerto po tayong lahat.πŸ™πŸ»

Maraming Salamat po! πŸ’š

17/08/2026

Mapagpalang gabi po sa ating lahat!

Pinagbibigay alam po ng pamunuan na ang hahakutan muna po ng basura bukas ay Sona 4 (daan-dagat), ito po ay sa kadahilanan na meron tayong nararanasan na patuloy na pag ulan at base sa abiso ng NDRRMC ito ay magpapatuloy hanggang bukas. (baka po magkaroon uli ng pagtaas ng tubig sa ilog ay ito muna po ang uunahing hakutan para hindi po maging sagabal ang basura sa magiging daloy ng tubig).

Iisa lang rin po ang available natin truck bukas, dahil doon po magpapalipas ng gabi yong isa natin truck para maitapon yung nahakot po natin kanina ay mahaba po ang pila doon sa tapunan.

Hinihingi po ang inyong pangunawa sa sitwasyon na ito.

Maraming Salamat po! πŸ’š

17/08/2026



Upon the recommendation of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) after a thorough assessment of the possible effects brought about by the Southwest monsoon, and the approval of Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, the SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS, both in public and private schools, tomorrow August 18, 2026 is hereby declared in the Municipality of Bauan.

All schools are hereby directed to implement the appropriate alternative learning modalities, including modular distance learning or online learning to ensure the uninterrupted delivery of education and at the same time safeguarding the welfare of learners, teaching personnel and school staff.

The public is advised to remain vigilant, closely monitor official weather advisories issued by the appropriate government agencies, and observe all necessary preparedness and safety measures at all times.

Please refer to Bauan MIO page and other LGU official communication channels for further updates and announcements.

10/08/2026

ANUNSYO!

May hakot po tayo ng basura bukas sa mga SONA 4,5 at 6.

Maraming Salamat Po!

Bilang bahagi ng kahandaan ng pamunuang barangay sa pangunguna pa rin ni Pang. Rey at sa pagtalima natin sa abiso ng LGU...
08/08/2026

Bilang bahagi ng kahandaan ng pamunuang barangay sa pangunguna pa rin ni Pang. Rey at sa pagtalima natin sa abiso ng LGU para sa PRE- EMPTIVE EVACUATION. Nakapamili na uli po tayo ng mga paunang pagkain na ihahanda natin para sa ating mga evacuees.

Muli po, mag ingat po tayong lahat. πŸ’š

Status ng mga kalye ng Brgy Aplaya as of around 10:51am dulot parin ng pag-uulan. Mag ingat po ang lahat. Nagiikot po an...
08/08/2026

Status ng mga kalye ng Brgy Aplaya as of around 10:51am dulot parin ng pag-uulan.

Mag ingat po ang lahat. Nagiikot po ang ating mga rescue para sa patuloy na monitoring po sa ating brgy.

PS. sa may ciriaco st po ay hupa po ang tubig

Salamat po.

08/08/2026

Maulang umaga po sa lahat!

ANUNSYO para sa LIBRENG MEASLES-RUBELLA VACCINATION para sa mga BATA.

Inaanyayahan po namin na ma-pabakunahan ang inyong mga anak mula sa edad na ika-6-na buwan hanggang - ika-59-na buwan o (4yrs & 11months old na bata) para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA).

Ito ay gaganapin sa ating Barangay Covered Court sa darating na Agosto 12, 2026, araw ng Miyerkules sa ganap na ika-7:00 ng umaga.

Maraming Salamat Po! πŸ’š

Patuloy na mag-ingat ang lahat sa masamang panahon. 🫢🏻

05/08/2026

ANUNSYO!

May hakot po bukas ng basura sa mga SONA 4,5,6. Maari po ninyong ilabas ang inyong mga basura. Maaga po ang daan ng ating truck.

Salamat po.

03/08/2026

Ang pamunuan po ay naghahanap ng mga sumusunod.

LF: Garbage Collector, Brgy Tanod
Requirement (Simple lang po, dapat po may malasakit sa komunidad).

(Punta lang po sa brgy hall, pakihanap po si Pang. Rey).

Maraming Salamat Po! πŸ’š

Address

Aplaya
Bauan

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Aplaya:

Shortcuts

Share