Bauan MIO

Bauan MIO Official Page of Bauan Municipal Information Office.
(5)

Isang pagbati po ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa ating mga lingkod bayan.God bless you!🩷
02/06/2026

Isang pagbati po ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa ating mga lingkod bayan.
God bless you!🩷

Isang pagbati po ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa ating lingkod bayan.God bless you!🩷
02/06/2026

Isang pagbati po ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa ating lingkod bayan.
God bless you!🩷

01/06/2026
01/06/2026
Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, agad na pinamigay sa mga barangay ang mga bigas na personal na tulong...
01/06/2026

Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, agad na pinamigay sa mga barangay ang mga bigas na personal na tulong galing kay Congressman Leandro Legarda Leviste. Sa mismong araw ng pagdating ng butihing Congressman, natapos ang pamimigay sa mga barangay at pinamahagi sa bawat pamilyang Bauangeño. Hiniling ni Mayora Wendah na siguraduhing makakarating sa bawat pamilya sa Bauan ang tulong na bigas. Lubos ang pasasalamat ng buong Bayan ng Bauan sa tulong na ito, walang pinili, lahat na pamilya ay nabigyan.

Katuwang ng buong Pamahaalaang Bayan ng Bauan si Cong. Leandro Legarda Leviste, tunay ngang sa Bauan, walang naiwan ang .

MAHALAGANG PAALALA  ni Nanay Wendah sa panahon ng BAGYO o TAG-ULAN1. Sa mga residente na nakatira sa mga mababang lugar ...
01/06/2026

MAHALAGANG PAALALA ni Nanay Wendah sa panahon ng BAGYO o TAG-ULAN

1. Sa mga residente na nakatira sa mga mababang lugar (low lying areas), binabaha (flood prone areas), erosion-prone areas o lugar na may panganib ng landslide, at mga lugar na may banta ng storm surges, kaagad na lumikas kung kinakailangan at magpunta sa mga evacuation centers na itinalaga ng ating LGU.

Kung ang ating LGU at barangay officials ay mag-abiso ng pre-emptive at forced evacuation agad na tumalima dito sapagkat hindi ligtas para sa atin at sa mga responders na kung kailan kasagsagan ng bagyo ay saka tayo i-extract o kunin sa ating mga tahanan.

2. Alamin ang mga emergency numbers sa ating bayan.

3. Mag ready ng “go bag” na naglalaman ng mga damit, ready-to-eat food, first aid kit, mahahalagang documents o papeles, mga gamot na pang maintenance, flashlight o emergency lamp at iba pang essentials na kagamitan kung sakaling lilikas sa mga evacuation centers.

4. Mag charge ng mga cellphone at mga chargeable lamps habang hindi pa nawawalan ng supply ng kuryente.

5. Makinig sa mga anunsyo at sumunod sa mga paalala mula sa ating LGU at barangay.

6. Magmonitor ng mga ulat panahon at iba pang mahalagang anunsyo sa tv, radyo o kaya naman sa mga mapapagkatiwalaang social media accounts.

Manatiling kalmado at laging alerto. Maging ligtas tayo mga Bauangueño!

“Sa Bayan ng Bauan, Walang Maiiwan”

☝🏻

Sa unang araw ng Hunyo, pinangunahan ng mga kawani mula sa RHU I ang pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas.
01/06/2026

Sa unang araw ng Hunyo, pinangunahan ng mga kawani mula sa RHU I ang pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas.

Matapos ang magdamagang ulan kagabi, tumambad ang kalagayan ng ating provincial road mula Manghinao I (intersection ng b...
30/05/2026

Matapos ang magdamagang ulan kagabi, tumambad ang kalagayan ng ating provincial road mula Manghinao I (intersection ng bypass road) hanggang Sitio Tabok, Inicbulan kaninang umaga. Muli ay naranasan na naman ng ating mga kababayan at motoristang dumaraan dito ang hirap at panganib na dulot ng pagbaha at naipong putik sa nasabing kalsada.

Paulit-ulit na pong idinudulog ng LGU Bauan ang suliraning ito sa mga kinauukulang tanggapan sa ating rehiyon at lalawigan kahit noong panahon pa ng pamumuno ni Mayor RYANH M. DOLOR, dalawang taon na ang nakalilipas. Marami na pong reklamo at hinaing ang natatangap mula sa mga residenteng direktang naapektuhan nito gayundin po sa mga motorista na araw-araw ay dumaraan dito.

Salamat sa pagtutulungan ng mga barangay na apektado, mga boluntaryong indibidwal, ilang sector ng komunidad, LGU Bauan at maging ang ating kasamahan mula sa BFP R4A Bauan Fire Station ay nagsagawa ng clearing at flushing operations kanina. Gayunpaman, ang agarang hakbang ay pansamantalang lunas lamang. Kumbaga sa isang sugat ay nilalagyan lamang ng band-aid, nababawasan man ang sakit ay nandon pa din ang ugat ng problema. Ang kailangan po natin ay solusyon na pangmatagalan para maiwasan ang paulit-ulit na abala sa ating mamamayan.

Hinihiling at tahasang kinakalampag muli ang ating mga katuwang sa serbisyo tulad ng DPWH Region IV-A, DPWH District Engineering Office, at Provincial Engineering Office na mabigyan ng agarang pansin ang nasabing provincial road at maisaayos na ito sa lalong madaling panahon upang mabawasan ang hirap at panganib sa ating mga kababayan lalo pa at darating na ang panahon ng tag-ulan.

BAUAN, BATANGAS Bilang patunay ng totoong malasakit sa mamamayan, ipinagkaloob ni Cong. Leandro Legarda Leviste, kinataw...
29/05/2026

BAUAN, BATANGAS Bilang patunay ng totoong malasakit sa mamamayan, ipinagkaloob ni Cong. Leandro Legarda Leviste, kinatawan ng Unang Distrito ng Batangas, ang 35,000 sako ng bigas bilang ayuda para sa bawat pamilyang Bauangeño.

Mainit na sinalubong nina Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Vice Mayor Guenn Abante, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at mga Punong Barangay ang pagbisita ni Cong. Leviste kahapon, Mayo 28. Ang kanyang pagdating ay hindi lamang upang magdala ng tulong, kundi pagpapakita rin ng taos-pusong pagmamahal at pagmamalasakit sa mamamayan ng Bauan kahit ang ating bayan ay hindi kabilang sa nasasakupan ng kanyang distrito.

Ayon kay Cong. Leviste, ang Bauan ang kauna-unahang bayan mula sa Ikalawang Distrito ng Batangas na kanyang nabigyan ng ayudang bigas para sa bawat pamilya. Binigyang diin niya na ang serbisyong ito ay walang kinikilingan - walang kulay pulitika, walang pinipili kakampi man o hindi. Para sa kanya, ang mahalaga ay maisigurong may pagkain sa hapag ang bawat Bauangeño. Ipinahayag din niya na ang programang ito ay personal niyang inisyatibo bilang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at bilang pagpapakita na walang dapat maiiwan sa panahon ng pangangailangan.

Lubos namang nagpasalamat si Mayor Wendah sa nasabing tulong at pormal na tinanggap ang mga sako ng bigas sa ngalan ng mga mamamayan ng Bauan. Agad ding siyang nagbigay ng direktiba sa mga barangay upang matiyak na maipamahagi ang mga ito sa parehong araw, dahilan upang ang mga sako ng bigas ay agad na ikarga sa mga sasakyan ng barangay mula sa evacuation center sa Manghinao Proper. Ito ay kumakatawan sa layunin ng ating butihing punong bayan na mailapit ang serbisyong bayan sa bawat mamamayan nang mabilis, maayos at may malasakit.

Ang proyektong ito ay higit pa sa simpleng pamamahagi ng ayuda. Ito ay isang paalala na kapag ang pamumuno ay may puso, malasakit, at tunay na hangarin para sa kapakanan ng mamamayan, nagiging posible na sa isang bayan, walang naiiwan at man din sama-samang umaangat.

Marami pong salamat, CONG. LEANDRO LEGARDA LEVISTE!

Address

2nd Floor, Bauan Municipal Building, F. Mangobos Street , Pob. I
Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bauan MIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share