02/06/2026
PINYAKASALAN SA BATARAZA UPDATE:
Paalala lang po sa lahat ng nagnanais makilahok sa Kasalang Bayan na ang paglilista po namin ay nakabase sa mga nakapag-submit na ng requirements at naghihintay na lamang po ng exact date ng Mass Wedding. Sa ngayon po ay meron pa lamang 16 couples na nakapag-submit na ng requirements.
Paalala din po na ang schedule ng Pre-Marriage Orientation and Counselling ay every Thursday at puno na po ang slots until June 18, 2026.
Sa mga nagnanais pang makilahok at nauna nang nakapalista ngunit hindi pa nakakasubmit ng requirements ay maaaring makipag-ugnayan lamang po sa aming opisina sa Municipal Civil Registrar.
Maraming salamat po.