Bataraza Public Information

Bataraza Public Information Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bataraza Public Information, Government Organization, Marangas, Bataraza.
(2)

Adolescent Health Symposium, Isinagawa sa Bataraza para sa Mas Malusog at Mas Matatag na KabataanIsinagawa ngayong Setye...
04/09/2026

Adolescent Health Symposium, Isinagawa sa Bataraza para sa Mas Malusog at Mas Matatag na Kabataan

Isinagawa ngayong Setyembre 4, 2026 ng Municipal Health Office (MHO) ng Batarazaang Adolescent Health Symposium sa 2nd Floor BTC Function Hall, Bataraza, bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayan at responsableng pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan. May temang “Kabataang Maabilidad Tungo sa Pinya-lakas na Komunidad,” tampok sa symposium ang mahahalagang talakayan na nakatuon sa iba’t ibang usaping kinahaharap ng kabataan.

Tinalakay ni Tirso P. Segundo, RSW, PhD, DPA, Municipal Social Welfare and Development Officer, ang Responsible Young Adulthood; si Rodgen S. Limpiado, RSW ng Roots of Health ay nagtalakay naman ng Adolescent Mental Health; habang tinalakay ni Elvie R. Lao, RM, Provincial Adolescent Health and Development Program Manager, ang Reproductive Health and Teenage Pregnancy Prevention. Samantala, isa namang words of encouragement ang ibinigay ni Jessabelle G. Castro- Health Program Officer II- PDOHO. “Asking help is not a weakness, it is a form of courage and self-care”, ayon kay Ms. Castro.

Binigyang-diin din sa bawat sesyon ang kahalagahan ng bukas na talakayan at wastong impormasyon, na sinundan ng question-and-answer portions upang mabigyang pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at higit na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga paksang may direktang epekto sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Nagpaabot naman ng suporta sa programa ang Lokal na Pamahalaan ng Bataraza at mga katuwang na institusyon, kabilang ang Municipal Health Office, Bataraza National High School, at iba pang health and development partners.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng MHO Bataraza ang pagbibigay ng sapat at wastong kaalaman sa kabataan upang sila ay maging responsable, mapanuri, at may kakayahang gumawa ng wastong desisyon para sa kanilang kalusugan at kinabukasan—tungo sa pagbuo ng isang mas malusog, matatag, at empowered na kabataang Bataraza.

🚨 PUBLIC ADVISORY | SIMEX 2026 🚨PAALALA SA PUBLIKO: MAGKAKAROON NG SIMULATION EXERCISE BUKASIpinapaalam ng Bataraza Muni...
02/09/2026

🚨 PUBLIC ADVISORY | SIMEX 2026 🚨

PAALALA SA PUBLIKO: MAGKAKAROON NG SIMULATION EXERCISE BUKAS

Ipinapaalam ng Bataraza Municipal Police Station sa lahat ng residente ng Bataraza na magkakaroon ng Simulation Exercise (SIMEX) bukas, September 3, 2026, bilang bahagi ng National Simultaneous Safety Drill (NSSD).

Layunin ng aktibidad na masubok at mapahusay ang kahandaan, koordinasyon, pagtugon at seguridad ng mga kinauukulang ahensya at ng komunidad sakaling magkaroon ng emergency o iba pang insidente.

📌 MAHALAGANG PAALALA:
Ang mga kilos, deployment ng personnel, sirena, at iba pang aktibidad na maaaring makita ng publiko ay BAHAGI LAMANG NG SIMULATION EXERCISE at hindi nangangahulugan na may aktuwal na emergency o insidente.

Hinihiling ang pang-unawa, pakikiisa at kooperasyon ng publiko upang maging matagumpay ang nasabing drill.

MANATILING ALERT, HANDA AT LIGTAS!


𝐊𝐎𝐎𝐏-𝐁𝐀𝐓𝐀 2026: 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐄𝐍𝐎, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆-𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐔𝐌𝐔𝐍𝐎, 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐁𝐈𝐒𝐌𝐎Matagumpay na isinagawa ang KOOP-B...
02/09/2026

𝐊𝐎𝐎𝐏-𝐁𝐀𝐓𝐀 2026: 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐄𝐍𝐎, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆-𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐔𝐌𝐔𝐍𝐎, 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐁𝐈𝐒𝐌𝐎

Matagumpay na isinagawa ang KOOP-BATA: Leadership Survival and Arnis Immersion noong Agosto 29–30, 2026 sa RTN Townsite Gymnasium, Barangay Rio Tuba, Bataraza.

Ang dalawang araw na programa ay pinangunahan at pinagtulungang isagawa ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO), katuwang ang Tanggapan ng Gobernador ng Palawan, Municipal Cooperative Development Offices ng Brooke’s Point at Bataraza, Department of Education–Palawan, at ang 18th Special Forces Company na nakabase sa Bataraza.

Dinaluhan ang programa ng mga mag-aaral mula sa Brooke’s Point National High School, Sacred Heart of Jesus High School sa Brooke’s Point, at Leonides S. Virata Memorial School, na nagtipon upang makibahagi sa isang makabuluhang pagsasanay para sa pagpapaunlad ng pamumuno, disiplina, katatagan, pagtutulungan, at kahandaan ng kabataan.

Tampok sa programa ang iba’t ibang learning sessions at immersion activities, kabilang ang Leadership Workshop, Arnis Training, Basic Wilderness Survival, Knot-Tying for Survival, Survival Obstacle Relay, West Philippine Sea Awareness, at iba pang mga gawaing humamon sa pisikal, mental, at leadership capabilities ng mga kalahok.

Sa pamamagitan ng KOOP-BATA, higit na napagtibay ang kahalagahan ng kooperasyon, disiplina, pagkakaisa, at katatagan sa paghubog ng mga kabataang handang humarap sa mga hamon ng panahon at maging responsableng lider ng kanilang mga pamayanan.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng programa ay patunay ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng pamahalaan, sektor ng edukasyon, at iba pang partner institutions sa pagbibigay ng makabuluhang oportunidad para sa kabataang Palaweno.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon, patuloy nating hinuhubog ang kabataang matatag, disiplinado, at handang manguna tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

MAYOR IBBA, NAGPAABOT NG SUPORTA SA MSU–BATARAZA ATHLETIC DELEGATION PARA SA MSUAA UNITY GAMES 2026Buong suporta at pagp...
01/09/2026

MAYOR IBBA, NAGPAABOT NG SUPORTA SA MSU–BATARAZA ATHLETIC DELEGATION PARA SA MSUAA UNITY GAMES 2026

Buong suporta at pagpapaabot ng mabuting hangarin ang ipinagkaloob ni Municipal Mayor Al-Shariff W. Ibba sa delegasyon ng Mindanao State University–Bataraza (MSU–Bataraza) sa isinagawang courtesy call noong Agosto 27, 2026, bago ang kanilang paglahok sa Mindanao State University System Athletic Association (MSUAA) Unity Games 2026 na gaganapin sa MSU Marawi.

Binubuo ng 23 student-athletes at limang coaches, ang delegasyon ay nagtungo sa Tanggapan ng Punong Bayan bilang pagpapakita ng paggalang at pagkilala sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Bataraza sa pagpapaunlad ng sports at kakayahan ng kabataan.

Sa nasabing courtesy call, pormal na ipinakilala ang athletic delegation sa Punong Bayan, kasabay ng paghiling ng kanyang suporta at basbas para sa isang ligtas, matagumpay, at makabuluhang paglahok sa prestihiyosong palaro.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang MSU–Bataraza sa patuloy na pakikiisa at suporta ng Local Government Unit of Bataraza sa pagsusulong ng sports development at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataang Batarazeño na mahasa ang kanilang talento at kakayahan.

Higit sa isang paligsahan, ang pakikilahok ng MSU–Bataraza sa MSUAA Unity Games 2026 ay nagsisilbing daan upang higit pang maisulong ang disiplina, pagkakaisa, pagkakaibigan, at kahusayan sa larangan ng palakasan.

Bitbit ang dangal ng MSU–Bataraza at ang pagmamalaki ng Bayan ng Bataraza—good luck at ligtas na paglalakbay, mga atletang Batarazeño!

𝐃𝐎𝐇: 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐏𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐙𝐄 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍!Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas...
01/09/2026

𝐃𝐎𝐇: 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐏𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐙𝐄 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.
Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!

Source Provincial Health Office of Palawan

01/09/2026
MGA LINGKOD-BAYANI NG BATARAZA, NAGKAISA PARA SA “LUNTIANG POOK BAYAN/GREEN PARK”Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Civi...
01/09/2026

MGA LINGKOD-BAYANI NG BATARAZA, NAGKAISA PARA SA “LUNTIANG POOK BAYAN/GREEN PARK”

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Civil Service Month 2026, nagkaisa ang mga Lingkod-Bayani ng Bayan ng Bataraza sa pagsasagawa ng “Luntiang Pook Bayan/Green Park” ngayong unang araw ng Setyembre 2026.

Bahagi ng isinagawang aktibidad ang Tree Planting, Oplan Pulot Basura at Clean-Up Drive, gayundin ang Information, Education and Communication (IEC) Campaign on Health and Sanitation, Social, and Environmental Awareness.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapagtibay ang malasakit at pananagutan ng mga kawani ng pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapanatili ng kalinisan, at pagsusulong ng isang mas malinis, ligtas, malusog, at luntiang pamayanan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, muling ipinamalas ng mga Lingkod-Bayani ng Bataraza na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa loob ng tanggapan, kundi maging sa aktibong pakikibahagi sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Sama-sama para sa mas luntian, malinis, at maunlad na Bataraza! 🌱💚

𝐇𝐨𝐥𝐢𝐝𝐚𝐲 | 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐫𝐨𝐞𝐬 𝐃𝐚𝐲In observance of National Heroes Day, Malacañang Palace, under Proclamation No. 1006, has d...
31/08/2026

𝐇𝐨𝐥𝐢𝐝𝐚𝐲 | 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐫𝐨𝐞𝐬 𝐃𝐚𝐲

In observance of National Heroes Day, Malacañang Palace, under Proclamation No. 1006, has declared August 31, 2026 as a regular holiday.

Honoring the courage, sacrifice, and patriotism of our Filipino heroes who fought for freedom and inspired the nation.🇵🇭

3RD QUARTER MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL (MDC) MEETING, ISINAGAWA SA BATARAZAIsinagawa ngayong Agosto 27, 2026 ang 3rd ...
27/08/2026

3RD QUARTER MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL (MDC) MEETING, ISINAGAWA SA BATARAZA

Isinagawa ngayong Agosto 27, 2026 ang 3rd Quarter Municipal Development Council (MDC) Meeting sa Municipal Hall Conference Room, na pinangunahan ni Municipal Mayor Hon. Al-Shariff W. Ibba.

Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay ng 22 barangay at mga Department Head ng LGU Bataraza upang talakayin ang mahahalagang usapin sa pagpapaunlad ng bayan, kabilang ang Supplemental Annual Investment Program (SAIP) No. 2, S. 2026, status ng GAD Plan and Budget CY 2027 ng mga barangay, at iba pang mahahalagang kasunduan.

Tinalakay rin ang endorsement ng 2027 Priority Infrastructure Projects sa DPWH at ang Municipal Resilience Planning Workshop outputs ng KALAHI-CIDSS Program, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pagpaplano at paghahanda ng Bataraza para sa mas matatag at maunlad na kinabukasan.

Address

Marangas
Bataraza
5306

Telephone

+639977355421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bataraza Public Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bataraza Public Information:

Shortcuts

Share