LGU San Juan Batangas

Call Directions Website Contact the organization

LGU San Juan Batangas ()

Welcome to the official page of the Local Government Unit of San Juan, Batangas, managed by the Municipal Information Office under the Office of the Municipal Mayor.

𝟭𝟮 𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗔𝗧𝗛𝗢𝗡 “𝗟𝗔𝗞𝗔𝗗-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚”Nagkaisa ang 12 aktibong kooperatiba ng B...
06/10/2026

𝟭𝟮 𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗔𝗧𝗛𝗢𝗡 “𝗟𝗔𝗞𝗔𝗗-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚”

Nagkaisa ang 12 aktibong kooperatiba ng Bayan ng San Juan sa pagsisimula ng Cooperative Month Celebration 2026 sa pamamagitan ng Cooperative Walkathon – “Lakad-Tulong” nitong Huwebes, Oktubre 1, 2026 sa General Leandro R. Mendoza Sports Center (Municipal Gymnasium), Brgy. Poblacion.

Isinagawa ang aktibidad sa inisyatiba ni MCDC Honorary Chairperson at MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, upang palakasin ang pagkakaisa ng cooperative sector at maisulong ang pagtutulungan at paglilingkod sa komunidad. Nakiisa rito ang mga kooperatiba, lokal na pamahalaan, mga katuwang na organisasyon, at mga mamamayan.

Bilang kinatawan ni MAYOR SALUD, nagbigay ng mensahe at suporta si Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla. Dumalo rin sina Bokal Melvin Vidal, Panauhing Tagapagsalita; Gng. Rowena Magadia, kinatawan ni Congressman Amado Carlos Bolilia IV; Bb. Alysa Mendoza, kinatawan ni Bokal Marcus Mendoza; G. Crispin Berana ng Cooperative Union of Batangas; at Bb. Ma. Theresa Gernale ng PCLEDO.

Pinangunahan nina Sangguniang Bayan Members Committee on Cooperatives Chairperson Kon. Miljun Magadia at Vice Chairperson Kon. Shalimar Salud, kasama ang 12 kooperatibang nakiisa sa aktibidad, na sumasalamin sa sama-samang pagkilos ng cooperative sector tungo sa mas matatag at maunlad na pamayanan.

Layunin ng “Lakad-Tulong” na makalikom ng pondo para sa Community Outreach Program ng mga kooperatiba, na ilalaan sa pagtulong sa mga piling komunidad at pamilyang higit na nangangailangan.


𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Of...
06/10/2026

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), ang isang coastal cleanup drive noong Setyembre 19, 2026 sa baybayin ng Barangay Nagsaulay bilang bahagi ng pagdiriwang ng 41st International Coastal Cleanup.

Nakiisa sa aktibidad sina Municipal Administrator Atty. Hernando S. Sevilla, bilang kinatawan ni Mayor Ildebrando D. Salud, Sangguniang Bayan Member Konsehal Owen Manimtim, mga kinatawan mula sa National Government Agencies (NGAs), Civil Society Organizations (CSOs), San Juan District Hospital, Nagsaulay Elementary School, Nagsaulay Integrated National High School, gayundin ang mga barangay officials at functionaries.

Layunin ng coastal cleanup na mabawasan ang mga basurang naiipon sa baybayin, mapanatili ang kalinisan ng karagatan at dalampasigan, at mapalakas ang kamalayan at pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng yamang-dagat at kapaligiran.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, paaralan at komunidad, isinulong ng aktibidad ang kahalagahan ng responsableng pagtatapon ng basura at pangangalaga sa mga coastal ecosystem upang mapanatili ang malinis, ligtas at likas-kayang kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.



𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Dumalo si MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa ginanap na 3rd Quarter Regional Team Conference ng Department of the Inter...
06/10/2026

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Dumalo si MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa ginanap na 3rd Quarter Regional Team Conference ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A nitong Setyembre 24, 2026, sa Laiya, San Juan, Batangas.

Pinangunahan ng mga opisyal ng rehiyon ng DILG IV-A ang kumperensya upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga programa at palawigin ang inobasyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga estratehikong plano at pagsusuri sa mga proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng CALABARZON ngayong 2026.


Pinangunahang muli ng Human Resource Management Office (HRMO) ang regular na flag raising ceremony ng Lokal na Pamahalaa...
05/10/2026

Pinangunahang muli ng Human Resource Management Office (HRMO) ang regular na flag raising ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng administrasyon ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026, sa New Covered Court.

Bilang bahagi ng paggunita sa World Teachers’ Day, nagpaabot ng pagbati ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa mga g**o bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad.

Isinagawa rin ng HRMO ang awarding ceremony para sa mga empleyado at departamentong naging katuwang sa matagumpay na pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary ngayong Setyembre.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si HRMO Ericka Jane Tenoria sa aktibong pakikiisa ng mga kawani sa mga isinagawang aktibidad. Hinikayat din niya ang bawat isa na patuloy na maglingkod nang may puso, dangal, at kahusayan para sa bayan.

Samantala, binigyang-diin ni Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla ang kahalagahan ng agarang pagkilos upang maisakatuparan ang mga layunin at makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mamamayan.


Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, muling nagsama-sama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Juan para sa bu...
05/10/2026

Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, muling nagsama-sama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Juan para sa buwanang Banal na Misa ngayong unang Lunes ng Oktubre.

Pinangunahan ang Misa ni Rev. Fr. Lee Leonida, OSJ, kura paroko ng Parokya ni San Juan Nepomuceno.


𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥'𝗦 𝗗𝗔𝗬!Taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALU...
05/10/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥'𝗦 𝗗𝗔𝗬!

Taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, sa lahat ng mga g**o na buong dedikasyong ginagampanan ang kanilang tungkulin ngayong World Teacher’s Day.

Ang araw na ito ay pagkilala sa inyong mahalagang papel sa pagpapaunlad ng edukasyon at sa patuloy na paghubog sa kinabukasan ng ating kabataan.

Sa bawat aral na naibabahagi, pagpapahalagang naitatanim, at pangarap na nahuhubog, malaki ang ambag ng mga g**o sa pagbuo ng isang matatag at maunlad na pamayanan. Hindi lamang kaalaman ang inyong ipinapamana, kundi mga pagpapahalaga, disiplina, at pananagutang magiging gabay ng mga mag-aaral sa kanilang paglaki at paglilingkod sa lipunan.

Kaya sa araw na ito, buong pagpapahalaga naming kinikilala ang inyong mahalagang ambag sa edukasyon at sa komunidad. Nawa’y manatiling inspirasyon ang inyong dedikasyon at malasakit sa bawat batang inyong ginagabayan.

Maraming salamat po sa inyong marangal na paglilingkod at sa patuloy ninyong paghubog sa kinabukasan ng ating bayan.

Muli, Maligayang Araw ng mga G**o!


𝗦𝗧𝗥𝗘𝗡𝗚𝗧𝗛𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗖𝗘𝗟𝗟𝗘𝗡𝗖𝗘As part of the celebration of World Tourism Month, the Municipal Tourism Office in partn...
05/10/2026

𝗦𝗧𝗥𝗘𝗡𝗚𝗧𝗛𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗖𝗘𝗟𝗟𝗘𝗡𝗖𝗘

As part of the celebration of World Tourism Month, the Municipal Tourism Office in partnership with the 𝐃𝐎𝐓 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕-𝐀 (𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍), held a Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Seminar at Acuaverde Beach Resort and Hotel, Inc.

The seminar brought together tourism frontliners, including help guides, bangkeros, and resort staff, for a meaningful learning session focused on strengthening their knowledge, skills, and practices in delivering quality service to visitors.

Ms. Maria Fe Rofule served as the resource speaker, sharing valuable insights on the principles of the Filipino Brand of Service Excellence and the importance of genuine Filipino hospitality, professionalism, courtesy, and attentive service.

The activity emphasized the vital role of tourism frontliners in creating positive and memorable experiences for visitors—from welcoming and assisting guests to providing reliable and quality service throughout their stay in San Juan.

Through this initiative, the Municipal Tourism Office continues to support the development of capable and service-oriented tourism frontliners while working closely with tourism stakeholders and partner agencies toward a stronger culture of Filipino hospitality.

#𝑱𝒖𝒂𝒏𝒅𝒆𝒓𝒇𝒖𝒍𝑺𝒂𝒏𝑱𝒖𝒂𝒏
#𝑺𝒂𝒏𝑱𝒖𝒂𝒏𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒂𝒔
#𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒂𝒔𝑨𝒍𝒍𝑯𝒆𝒓𝒆𝑺𝒐𝑵𝒆𝒂𝒓

𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬A two-day Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Seminar was held for...
05/10/2026

𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬

A two-day Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Seminar was held for the staff of *Acuatico Beach Resort and Hotel, in partnership with the 𝐃𝐎𝐓 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕-𝐀 (𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍).

Held at Acuatico Beach Resort and Hotel Inc., the seminar focused on strengthening the participants’ understanding and application of the Filipino Brand of Service Excellence, emphasizing the values of genuine Filipino hospitality, professionalism, courtesy, and service excellence.

The activity featured Ms. Maria Fe Rofule as the resource speaker, who shared valuable insights and practical approaches in delivering exceptional service and creating positive and memorable experiences for guests.

The two-day learning session provided an opportunity for Acuatico staff to further enhance their skills as tourism frontliners and strengthen a culture of service that reflects the warmth and hospitality of the Filipino people.

The Municipal Tourism Office continues to work closely with tourism stakeholders and partner agencies in providing capacity-building opportunities that contribute to the continuous development of San Juan’s tourism workforce.

#𝑱𝒖𝒂𝒏𝒅𝒆𝒓𝒇𝒖𝒍𝑺𝒂𝒏𝑱𝒖𝒂𝒏
#𝑺𝒂𝒏𝑱𝒖𝒂𝒏𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒂𝒔
#𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒂𝒔𝑨𝒍𝒍𝑯𝒆𝒓𝒆𝑺𝒐𝑵𝒆𝒂𝒓

Noong ika-30 ng Setyembre, 2026, tinanggap ng BARANGAY TICALAN FARMERS ASSOCIATION, Ticalan, San Juan, Batangas ang dala...
05/10/2026

Noong ika-30 ng Setyembre, 2026, tinanggap ng BARANGAY TICALAN FARMERS ASSOCIATION, Ticalan, San Juan, Batangas ang dalawampung (20) baka mula sa Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program FY 2025 ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4A (DA RFO 4A).

Ang pagtanggap ng mga baka mula sa DA RFO 4A sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na sina Bb. Clarisse Dimailig at Bb. Ladelen Morada ay dinaluhan at sinuportahan ng Lokal ng Pamahalaan ng San Juan sa pangunguna ni G. Felix E. Leopango, Municipal Agriculturist, bilang kinatawan ni Mayor Ildebrando D. Salud, kasama si Dra. Joy Sybil Guarin at G. Crisanto Tialban, Pangulo ng samahan.

Layunin ng programang ito na palakasin ang kontribusyon ng mga sub-sektor ng paghahayupan at pagmamanukan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na operasyon ng produksyon tungo sa mga negosyong kumikita tulad ng pamamahagi ng mga livestock module (hal. baka at iba pang malalaking ruminant) sa anyo ng mga grant o paglilipat ng pondo para sa mga kwalipikadong magsasaka, kooperatiba, at asosasyon.

Address

Barangay Buhaynasapa, San Juan
Batangas
4226

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437265826

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU San Juan Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU San Juan Batangas:

Shortcuts

Share