15/02/2026
MABACONG RURAL WATERWORKS
📢 ANNOUNCEMENT
Ipinagbibigay-alam po sa lahat ng miyembro ng patubig na pansamantala pong isinara ang linya ng tubig sa may Aplaya dahil kasalukuyang nililinis ang tangke ng tubig.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang maintenance upang masiguro ang malinis at maayos na suplay ng tubig.
Maraming salamat po. 💧