25/10/2020
LESSONS sa pagkuha ng bahay sa subdivision. Kindly read. Personal experienced po namin ito☺️👇
Ano ano nga ba ang nararamdaman bago kumuha ng bahay sa subdivision?
Sa totoo lang bago kmi kumuha ng bahay naramdaman naming mag asawa ang nararamdaman ng aming mga buyers before magdecide na magreserve na talaga.
Anjan ang TAKOT kung kaya ba nating bayaran yan, ANG TAGAL naman ng 30yrs bka di natin matapos, MAY BAHAY NA TAYO bakit pa tayo kukuha pa ng isa pa?
Minsan magtatalo kami pero siyempre sa bandang dulo magkaka sundo din. Pinaka mahirap i deal na buyer ang sarili namin😅 Pero I'm glad napipilit ko pa din ang sarili ko at si mon haha.. Pano? Eto kase ang mga magagandang reasons namin sa pagkuha ng property.
1. Kakatakot, kaya ba nating bayaran yan?
- bilang isang magulang alam ko sa sarili ko na wala na talagang option na tumigil ako sa paghahanapbuhay. Part na yun ng buhay ko gang sa pagtanda kaya alam kong whatever happens kikilos at kikilos ako para maghanapbuhay.. para may pangbayad sa mga bills, pambili ng foods at pangbayad sa PANGARAP. Wag nating alisin ang pangarap sa pinagkakagastusan, It will motivate us na mag work pa, na magsikap pa para sa pamilya. Ang taong masipag, hindi takot sa responsibilidad🙂
2. 30yrs to pay yan antagal masyado baka di natin matapos
- Yes po tama, 30 yrs to pay ang MAXIMUM term ng pagbabayad ng loan sa pagibig. PERO, ang titingnan mo lang jan ay ang principal loan mo? halimbawa 450,000 ang niloan mo na bahay... nasasayo kung babayaran mo siya ng 30yrs OR pede nmang everytime na may pera ka eh bultuhan mo ng bayad para tapos agad. Kahit 2 yrs palang bayaran mo na agad sa Pagibig ay pede naman. Sa Case ko plan kong tapusin ng maaga para konti lang ang interest. Kanya kanyang deskarte lang kung ano ang maluwag sa atin.
3. May bahay nman tayo bat pa tayo kukuha ng isa pa?
-Ang Real Estate ay investment na daig pa ang GOLD sa pagtaas ng VALUE. Magugulat kana lang na naginvest ka ng mababang presyo then aftr ilang taon halos doble na ang halaga. Halos LIBRE mo na nga makukuha dahil minsan pag binenta mo Triple na ang halaga. Walang lugi. Tubong tubo ka talaga dahil never bumaba ang presyo ng Real Estate.
Napapaupahan ang bahay kaya minsan down lang puhunan mo the rest renta na ang ipangbabayad mo sa pagibig.
May INSURANCE na kakabit ang bahay na nakaloan kay PAGIBIG. Kasama na sa monthly amort mo ang insurance kaya if may masamang mangyari sayo bilang principal eh bayad ang bahay at automatic pamana mo na ito s maiiwan mo. Kay BANK naman bukod ang payment ng Insurance (annually) kaya make sure na nagbabayad kau nito.
Wag matakot mag invest kase pag natakot ka ikaw din ang talo. Sa kaiisip mo at bagal magdesisyon Di ka makakaavail ng MURA at maganda kase bago ka makadecide TRIPLE na ang itinaas.
Sayang ang pagkakataon kaya kung sa tingin nyo kaya nyo ngayon eh gawin nyo na.
Basta ako, Personal Reason ko ng pagkuha ay laging para sa anak ko. Whatever happens, kailangan part ng kinikita ko ay makapagtabi ako ng para sa knya, kailangan sipagan ko kase para sa kanya. Kaya ako tumatapang kase para sa kanya. Laging kapakanan ng ANAK.. at yun parang nabubuhayan talaga km ng loob dahil dun❣️
SA PROSESO NG PAGKUHA NG BAHAY ANG LAGING PINAKA MAHIRAP AY ANG MAGDECIDE SA PAGRERESERVE. Pero aftr reservation, excitement na ang kasunod! Maeexcite ka na s unit na kinuha mo... promise.. laging ganon ang pakiramdam☺️❣️
KINDLY LIKE AND SHARE THIS PAGE FOR MORE PROMO UPDATES❣️