06/04/2026
Aral para sa bayan, Kabataan para sa kinabukasan!
Paanyaya para sa kabataan ng Brgy. Pallocan West
Muli namin kayong inaanyayahan sa gaganaping Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly sa darating na April 12, 2026 (Linggo), mula 8 am hanggang 10 am, sa Santolan Covered Court. Pag-uusapan natin ang mga proyekto ng SK, makikinig sa iyong mga mungkahi, at pagtitibayin ang partisipasyon ng kabataan sa barangay.
Kasabay nito ay muli kaming tatanggap ng mga Scholarship Applications. Ngayong taon, ang iSKolarsgip na handog ng SK ng Brgy. Pallocan West ay limitado sa 135 slots - 45 para sa mga Junior High School students, 45 para sa mga Senior High School students, at 45 para sa mga College Students.
Paalala ito po ay one student per family.
Narito ang mga requirements (xerox lamang) na dapat ihanda at dalhin sa darating na KK Assembly:
Para sa mga Junior at Senior High School Students:
1. COR
2. Grades (last school year)
3. School ID
4. PSA o VRR ng magulang
Para sa mga College Students:
1. Grades (last semester)
2. School ID
3. PSA o VRR
Muli, siguraduhing kumpleto ang mga requirements at tanging sa mga SK Officials lamang ito ipapasa sa araw ng KK Assembly.