23/05/2020
Batay sa huling datos na inilabas ng Provincial Department of Health Office (PDOHO), ngayong araw ng Sabado, May 23, 2020 (4:00 PM), patuloy na tumataas ang bilang ng mga recovered patients sa COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas kung saan may 6 na bagong naitalang gumaling sa sakit upang magkaroon ng 86 na kabuuang bilang ng recoveries.
2 naman ang naitalang confirmed cases upang magkaroon ng total tally ng positibong kaso sa COVID-19 sa probinsya na 159.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang magiting na pagganap ng ating mga frontliners, ng pamahalaan, at ng ating mga lingkod bayan sa kani-kanilang mga tungkulin upang tuluyang masugpo ang COVID-19.
Manatili po tayo sa ating mga tahanan at patuloy po tayong magdasal.
Stay Safe and Stay Home, Batangueños!