PWCC Batangas INC.

PWCC Batangas INC. Provincial Women's Coordinating Council

Feb 28, 2025Ginanap ang presentation, evaluation at deliberation ng mga nominees sa Notable Batanguenas 2025 sa iba’t-ib...
02/06/2025

Feb 28, 2025

Ginanap ang presentation, evaluation at deliberation ng mga nominees sa Notable Batanguenas 2025 sa iba’t-ibang sektor.

Ang mga nagwagi ay ini-announce at pinarangalan noong March 14, 2025 kasabay ng pagdiriwang ng Women’s month celebration.


Masayang sinalubong ng mga kababaihan ng Batangas ang 2025!Ginanap kanina ang Year End Evaluation ng PWCCBI, sa pangungu...
10/01/2025

Masayang sinalubong ng mga kababaihan ng Batangas ang 2025!

Ginanap kanina ang Year End Evaluation ng PWCCBI, sa pangunguna ng mga opisyales nito na pinamumunuan ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.

Inumpisahan ito ng banal na misa, na dinaluhan din ng ating mahal na Governor Hermilando Mandanas. Ipinahayag din ni Governor ang kanyang paghanga sa mga kababaihan dahil marami ng matataas na pwesto lalo sa provincial government na pinumunuan ng mga babae.

Kabilang sa mga dumalo at nakipagdaupang palad sa mga kababaihan sina Vice Governor Mark Leviste at BM Junjun Rosales.

Umulan ng papremyo, masisiglang palaro at indakan naganap. Napuno ng tawanan, galak at kasiyahan ang bulwagan sa pangangasiwa ng PSWDO sa pangunguna ni Ma’am Ethel Luistro at pagho host ni Ma’am Eva Morillo.

Masaya, Matapat at Mapapagkatiwalaang mga kababaihan ang core values ng Kababaihan ng Batangas.

Isinagawa ng mga opisyales ng PWCC ang regular na pagpupulong sa conference hall ng Mayor’s Office ng LGU Rosario, July ...
06/07/2024

Isinagawa ng mga opisyales ng PWCC ang regular na pagpupulong sa conference hall ng Mayor’s Office ng LGU Rosario, July 5, 2024.

Kasabay nito ay ipinamahagi sa mga kasaping dumalo ang mga materyales na gagamitin nila para sa kani-kanilang pakikiisa sa Brigada Eskwela ng kanilang mga bayan.

Lubhang nagpapasalamat ang PWCC sa mag-asawang Mayor Leovy Morpe at Mayora Elizabeth Morpe sa pag host ng venue at food.

“KABABAIHAN PARA SA KALIKASAN” at “KABABAIHAN OPLAN BRIGADA ESKWELA”Maagang nakiisa ang Provincial Women Coordinating Co...
05/07/2024

“KABABAIHAN PARA SA KALIKASAN” at “KABABAIHAN OPLAN BRIGADA ESKWELA”

Maagang nakiisa ang Provincial Women Coordinating Council (PWCC) sa Deped’s BRIGADA ESKWELA sa Rosario West Central School (RWCS) Rosario, Batangas, ngayong araw July 5, 2024.

Nag-donate ng ilang gamit tulad ng pintura, paint brush, roller brush at mops ang samahan ng mga kababaihan sa nasabing paaralan. Ang RWCS ang napiling school ng MWCC Rosario president, Mayora Elizabeth Morpe.

Kasabay nito ang tree planting na isinagawa rin sa naturang paaralan. Ilan sa mga itinanim ay kalamansi, rambutan, kalamyas at avocado.

Kasama sa mga nakiisa ang PWCC president at Mayor ng Agoncillo, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice President Atty. Cristine Collantes-Garcia (Tanauan City), Samahang Batangueña President Charito Apacible, GSP Batangas Council Executive Glenna Berania, MWCC presidents - Lisa Flores (Padre Garcia), Jane Casas (Ibaan), Mayora Leslie Fronda (Balayan), Mayora Jo-ann Pongos (Alitagtag), at MWCC members ng San Juan at Laurel. Nakiisa rin ang mga kinatawan ng PSWDO.

July 2, 2024Dumalo ang pangulo ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc., Atty. Cinderella Valenton-Reyes,...
03/07/2024

July 2, 2024

Dumalo ang pangulo ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc., Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa ikatlong pagpupulong ng BMSMED Council sa PCLEDO, Capitol Center bilang isa sa miyembro nito.

Kabilang sa mahalagang napagkasunduan ang pag apruba ng Mission, Vision at ang Action Plan para sa ikatlo at ikaapat na quarter ngayong taon.

Address

PSWDO Building Capitol Site, Kumintang Ibaba Batangas City
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWCC Batangas INC. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share