12/09/2026
๐๐.๐๐.๐๐|๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐๐ฉ๐ญ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง
Kaisa ang Pangulo ng Liga ng mga Barangay Liwenlyndo A. Vergara sa isinagawang libreng konsultasyon sa mata at pamamahagi ng libreng reading glasses ng Mamamayan Susulong Group na ginanap sa Barangay Poctol, San Juan, Batangas sa pangunguna ni Punong Barangay Ronel B. Sinag, katuwang ang Sangguniang Barangay at Barangay Functionaries.
Ang MS Group ay isang Non-Government Organization sa pangunguna ni Direktor Michael D Prowel na naglalayong makatulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan o mga tulong medikal, panlipunan at iba pang gawaing makakatulong sa pamayanan lalo na sa mga Senior Citizen at may kapansananan. Itinataguyod din ng grupo ang prinsipyo ng pagkakaisa at boluntaryong paglilingkod, pakikilahok ng mamamayan at pantay na oportunidad sa lahat.
Noong nakaraang lamang na Setyembre 7, 2026 ay nakatanggap ang MS Group ng pagkilala at pagpupugay mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas - Resolution No. 1615 Year 2026 na pinasimulan ni Board Member Marcus Mendoza.