29/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฬ๐๐!
Ang buong ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐ ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐. Noong ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐ ay opisyal na nating natapos ang ating liga na nagsilbing daan upang maipakita ng ating kabataan ang kanilang husay, disiplina, sportsmanship, at pagkakaisa sa larangan ng basketball.
Lubos naming binabati ang lahat ng koponan na nagwagi at nagkamit ng iba't ibang karangalan. Gayundin, isang mainit na pagbati sa ating mga natatanging manlalaro na nakatanggap ng kani-kanilang individual awards bilang pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at kahusayan sa buong torneo. Kayo ay nagsilbing inspirasyon sa ating kapwa kabataan upang patuloy na magsikap at pagbutihin ang kanilang kakayahan.
Hindi rin magiging matagumpay ang ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ kung wala ang suporta at pagtutulungan ng ating mga coaches, team managers, referees, table officials, sponsors, volunteers, barangay officials, at mga masugid na tagasuporta na walang sawang naglaan ng oras at tulong mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng liga. Maraming salamat sa inyong mahalagang kontribusyon upang maisakatuparan at matapos nang matiwasay at maayos ang ating programa.
Higit sa lahat, salamat sa bawat kabataang nakiisa at naging bahagi ng liga. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang tagumpay ng ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ upang lalo pang mapalakas ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at aktibong partisipasyon ng ating kabataan sa mga susunod pang programa ng Sangguniang Kabataan.
Muli, maraming salamat at mabuhay ang Kabataang Waweรฑos! ๐๐