Barangay San Andres isla Verde Batangas City.

Barangay San Andres isla Verde Batangas City. The Verde Island Passage in the Philippines is one of the most productive ecosystems in the world.

19/08/2026

PAALALA ๐Ÿ“ฃ
Ipinag bibigay alam po sa lahat na walang Peopleโ€™s Day bukas, Agosto 20, 2026. Maraming salamat at ingat po tayong lahat.

Sama-Samang Pagkilos para sa BarangayNgayong umaga, Agosto 19, 2026, sama-samang nagtulong-tulong ang mga Barangay Offic...
19/08/2026

Sama-Samang Pagkilos para sa Barangay

Ngayong umaga, Agosto 19, 2026, sama-samang nagtulong-tulong ang mga Barangay Official ng Barangay San Andres sa agarang paglilinis ng mga punongkahoy na natumba at humarang sa mga pangunahing daanan, gayundin ng mga lupang gumuho dulot ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan.

Katuwang ng mga Barangay Kagawad at Barangay Tanod ang Samahang Erpat upang mabilis na maalis ang mga sagabal at maibalik sa maayos at ligtas na kalagayan ang mga pangunahing daanan.

Basta sama-sama at nagtutulungan, mas madaling naaayos ang mga pinsalang iniwan ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay. ๐Ÿ™๐Ÿ’ช

PB. Miriam Fuentes

18/08/2026
18/08/2026

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | (As of 7:30 PM)

Narito ang listahan ng mga bayan / lungsod sa Lalawigan ng na naglabas o nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase bukas, ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿต ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐˜€), dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng ๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ผ ๐—›๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜:

No Face-to-Face Classes, Public and Private, All Levels | Shift to Modular Distance Learning

1. Lobo
2. Batangas City
3. Bauan
4. Calaca City
5. San Pascual
6. Balayan
7. Tingloy
8. Calatagn
9. Nasugbu
10. Lemery
11. Lian
12. Tuy
13. San Nicolas
14. Sta. Teresita
15. Balete
16. Mabini
17. San Jose
18. Cuenca
19. Taal
20. San Luis
21. Agoncillo
22. Taysan
23. Rosario
24. Padre Garcia (Pre-School to Senior High School)
25. Alitagtag
26. Mataasnakahoy
27. Laurel
28. Ibaan

๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’•๐’–๐’•๐’๐’Œ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’๐’”๐’• ๐’๐’‚ ๐’Š๐’•๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’•๐’†๐’”๐’• ๐’–๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” ๐’”๐’‚ ๐’”๐’–๐’”๐’‘๐’†๐’๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’๐’‚๐’”๐’†.



18/08/2026
Paalala:i Pangula Miriam Fuentes    PAALALA SA MGA MAMAMAYANMula sa Tanggapan ni Pangula Miriam Fuentes, katuwang ang mg...
18/08/2026

Paalala:i Pangula Miriam Fuentes

PAALALA SA MGA MAMAMAYAN

Mula sa Tanggapan ni Pangula Miriam Fuentes, katuwang ang mga Barangay Officials ng Barangay San Andres, Isla Verde, Batangas City

Ipinapaalam po sa lahat ng mamamayan na pansamantalang hindi muna madadaanan ang bahagi ng Lumbang, Sitio Bagong Pook 1, dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan na nararanasan sa buong bansa.
Dahil sa patuloy na pag-ulan, nagkaroon ng pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga puno, na nagdudulot ng panganib sa mga dumaraan, lalo na sa ating mga batang mag-aaral at senior citizens.
Hinihiling din po ng Barangay na huwag munang papasukin ang mga batang mag-aaral hangga't hindi pa ligtas ang daanan. Delikado rin po ang pagdaan sa tabing-aplaya bilang alternatibong ruta ng mga batang papasok sa paaralan.

Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa. Mangyaring makipagtulungan at iwasan muna ang mga lugar na mapanganib hanggang sa maayos at masiguro ng Barangay na ligtas nang daanan ang nasabing bahagi.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at kooperasyon.

Pangula Miriam Fuentes
Katuwang ang mga Barangay Officials
Barangay San Andres, Isla Verde, Batangas City

Maging maingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ayon sa PAGASA, patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Batangas hanggang Huwebes, August 20, dahil sa umiiral na habagat. Ayon sa PAGASA, kabilang ang lalawigan sa mga lugar na maaaring makaranas ng 50 hanggang 200 millimeters na ulan sa mga susunod na araw.

Barangay San Andres isla Verde Batangas City.

Dental Mission sa Isla VerdeNagsagawa ng dental mission ang Batangas City Health Office sa Isla Verde, San Andres, Batan...
15/08/2026

Dental Mission sa Isla Verde

Nagsagawa ng dental mission ang Batangas City Health Office sa Isla Verde, San Andres, Batangas bilang bahagi ng kanilang programa para sa kalusugan ng mga residente. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng libreng serbisyong dental sa mga mamamayan, lalo na sa mga batang nangangailangan ng dental check-up at iba pang pangunahing serbisyo para sa kanilang ngipin. Dumalo ang mga health workers at dental professionals upang magsagawa ng pagsusuri, pagbibigay ng payo tungkol sa tamang pangangalaga ng ngipin, at iba pang kinakailangang dental services. Malaking tulong ang pagpunta ng Batangas City Health Office sa komunidad dahil hindi lahat ng residente ay madaling nakakapunta sa mga health center para magpagamot o magpatingin. Sa pamamagitan ng dental mission, nabigyan ang mga residente ng pagkakataong mapangalagaan ang kanilang oral health nang libre. Ipinakita rin ng programa ang patuloy na suporta at malasakit ng lokal na pamahalaan sa kalusugan at kapakanan ng mga komunidad sa Isla Verde.

Nagsagawa ng pamamahagi ng bigas sa anim na barangay sa Isla Verde, San Andres, San Agapito,Liponpon, San antonio,San ag...
15/08/2026

Nagsagawa ng pamamahagi ng bigas sa anim na barangay sa Isla Verde, San Andres, San Agapito,Liponpon, San antonio,San agustin Silangan, San Agustin Kanluran,

bilang bahagi ng pagtulong ng National Goverment PBBM at ng pamahalaang Lunsod ng Batangas ,Mayor Marvey Mariรฑo katuwang si Congresswoman Beverley Rose Dimacuha, ng pagbibigay suporta sa mga pamilyang nangangailangan.

Layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente, lalo na sa pagkain at pangunahing gastusin ng bawat pamilya. Ang bigas ay ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula sa ibaโ€™t ibang barangay upang mas maraming pamilya ang makinabang. Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipakita ang malasakit, pagkakaisa, at pagtutulungan ng mga organisasyon at mga taong patuloy na nagbibigay ng suporta sa komunidad. Naging maayos ang pamamahagi dahil sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, volunteers, at mga residente. Ang simpleng pagbibigay ng bigas ay naging malaking tulong para sa mga pamilya at nagsilbing paraan upang mapalakas ang samahan sa komunidad. Patuloy na isinusulong ang mga ganitong programa upang makatulong sa kapakanan at kabuhayan ng mga residente ng Isla Verde.

Pb Miriam Fuentes
Barangay San Andres isla Verde Batangas City.
Cdrrmo Batangas
ใ‚š

๐ŸŽ“ VISMB EDUCATIONAL ALLOWANCE 2026 ๐ŸŽ“V โ€“ VERDEI โ€“ ISLANDS โ€“ SANCTUARYM โ€“ MANAGEMENTB โ€“ BOARDA total of 15 students from J...
11/08/2026

๐ŸŽ“ VISMB EDUCATIONAL ALLOWANCE 2026 ๐ŸŽ“

V โ€“ VERDE
I โ€“ ISLAND
S โ€“ SANCTUARY
M โ€“ MANAGEMENT
B โ€“ BOARD

A total of 15 students from Junior High School, Senior High School, and College received the VISMB Educational Allowance 2026.
The beneficiaries may vary every year to give more students in the community an opportunity to receive educational assistance. ๐Ÿ“šโœจ

Congratulations to our 15 beneficiaries! ๐ŸŽ“๐Ÿ’™

1. LJ Marco R. Mancilla
2. Kyle Chester E. Mendoza
3. Carl Wesley M. Escarez
4. Haynesia Lei R. Diokno
5. Airyll Marione Y. Anonuevo
6. John Denbert F. Anonuevo
7. Pauline R. Ornoza
8. Valerie Ebora
9. John Steven A. Roxas
10. Jhusยญtien Khylle E. Fameronag
11. Cheska Mae E. Vico
12. Renz Aeron R. Andaya
13. Mark Ivan B. Catoy
14. Zyrelle D. Enriquez
15. Hyvro C. Panganiban

May this simple assistance help our students continue their education and reach their dreams. Education is an investment in the future of our community. ๐Ÿ“–๐ŸŒŸ

Like and share๐Ÿ“ปโœ…


Address

Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Andres isla Verde Batangas City. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share