12/06/2025
Sa bawat pagwagayway ng watawat, alalahanin nating ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang ng mga nauna, mula sa mga bayaniโt karaniwang mamamayan na hindi natakot manindigan sa gitna ng dilim. Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng kahapon, kundi isang hamon sa kasalukuyan. Hamon na ipaglaban ang ating mga karapatan, lalo na sa panahong unti-unti itong kinakain ng kasinungalingan, pang-aabuso, at katiwalian. Sa bawat patak ng ulan at pag-ikot ng mundo, tayoโy tinatawag na maging tagapagtanggol, hindi ng dahas, kundi ng katotohanan; hindi ng kapangyarihan, kundi ng makatarungang pamamahala. Ang tunay na malaya ay hindi lamang nakatindig, itp'y mulat, kumikilos, at tumitindig para sa kapwa.
Sa Araw ng Kalayaan, muling buhayin ang diwang makabayan, at iwaksi ang katahimikang kinasanayan kung ang kabutihan ng nakararami ang nakataya. Kalayaan ang ating pamanaโpanagutan natin itong ingatan.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
๐๐ฆ๐ณ๐ฃ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ข๐ฌ๐ช๐ฃ๐ข๐ต, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ.