01/06/2026
BARANGAY RESOLUTION NO. 56
Series of 2026
ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS-PUSONG PAGBATI KAY POLICE MAJOR FLORENCIO R. CAISIP BILANG BAGONG HEPE NG SAN JOSE MUNICIPAL POLICE STATION
SAPAGKAT, kinikilala ng Pamahalaang Barangay ng Concepcion ang mahalagang tungkulin ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mamamayan;
SAPAGKAT, itinalaga si Police Major Florencio R. Caisip bilang bagong hepe ng San Jose Municipal Police Station, at umaasa sa kaniyang mahusay na pamumuno at tapat na paglilingkod sa bayan;
SAPAGKAT, ninanais ng pamunuan ng Barangay Concepcion na ipaabot ang suporta, pakikiisa, at mabuting hangarin sa kanyang panunungkulan bilang isang kabarangay.
KAYA NAMAN, sa mungkahi ni Kagawad Florencio Belda, ipinapahayag ng Sangguniang Barangay ng Concepcion, Batangas City ang kanilang taos-pusong pagbati kay Police Major Florencio R. Caisip bilang bagong hepe ng San Jose Municipal Police Station, kasabay ng hangarin para sa isang matagumpay, makatarungan, at masiglang pamumuno tungo sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
IPINASIYA, na ang sipi ng resolusyong ito ay ipagkaloob kay Police Major Florencio R. Caisip bilang tanda ng pagkilala, suporta, at mabuting pakikipag-ugnayan ng Barangay Concepcion.
PINAGTIBAY ngayong ika 1 araw ng Hunyo 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.