04/06/2026
๐๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐ญ๐จ๐ซ, ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ๐ฌ
Mas lalo pang pinalalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas matapos italaga ng Department of Health (DOH) Center for Health Development (CHD) CALABARZON ang mga bagong medical specialists sa ilang pampublikong ospital sa lalawigan sa ilalim ng Post-Residency Placement Program (PRPP).
Sa liham na ipinadala ng DOH CHD CALABARZON sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, inilahad na ang programa ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Act na naglalayong tugunan ang hindi pantay na distribusyon ng mga espesyalistang manggagamot sa mga pampublikong ospital, partikular sa mga Level I at Level II hospitals.
Mula Hunyo 1, 2026 hanggang Mayo 31, 2027, kabuuang labing-siyam (19) na Residency Training Program graduates ang itatalaga sa iba't ibang ospital sa lalawigan upang magbigay ng de-kalidad at mas accessible na serbisyong medikal para sa mga Batangueรฑo.
Kabilang sa mga makikinabang na ospital ang Batangas Provincial Hospital, Don Manuel Lopez Memorial District Hospital, Laurel Memorial District Hospital, Martin Marasigan District Hospital, San Jose District Hospital, at San Juan District Hospital.
Ang mga itatalagang espesyalista ay mula sa iba't ibang larangan ng medisina gaya ng Internal Medicine, Anesthesiology, General Surgery, at Obstetrics and Gynecology. Inaasahang malaki ang maitutulong ng kanilang serbisyo sa pagpapalawak ng access ng publiko sa specialized healthcare nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa malalayong pagamutan.
Ayon sa DOH CHD CALABARZON, layunin ng programa na higit pang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapasidad ng mga pampublikong ospital at paglalapit ng mga espesyalistang serbisyo sa mga komunidad.
Matatandaang noong ika-9 ng Marso 2026, sa Dreamzone, Capitol Compound, Batangas City, ay nauna nang nanumpa ang mahigit 300 bagong katuwang ng pamahalaan sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas. Kabilang sa mga ito ang mga doktor, nurse, midwife, dentista, pharmacist, medical technologist, nutritionist-dietitian, physical therapist, at radiologic technologist na magsisilbing mahalagang bahagi ng pagpapalawak at pagpapahusay ng mga programang pangkalusugan para sa mga Batangueรฑo.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa patuloy na suporta ng Department of Health sa pagpapahusay ng healthcare services sa lalawigan. Ang nasabing programa ay inaasahang magbibigay ng mas mabilis, episyente, at komprehensibong serbisyong medikal para sa mga Batangueรฑo.
Sheryl Mae Halili โ Batangas PIO Capitol
Mas lalo pang pinalalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas matapos italaga ng Department of Health (DOH) Center for Health Development (CHD) CALABARZON ang mga bagong medical specialists sa ilang pampublikong ospital sa lalawigan sa ilalim ng Post-Residency Placement Program (PR...