07/08/2026
Makiisa sa Ligtas Tigdas! Measles Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR SIA- VAS) ngayong darating na Agosto 10-28, 2026.
Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na dalahin ang kanilang mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan sa kanilang Barangay Health Center upang mabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin (measles β rubella).
Ang bakuna laban sa tigdas at rubella ay napatunayang ligtas at epektibo sa pagbibigay proteksyon sa mga bata. Makipag β ugnayan sa inyong Barangay Health Center Worker o bumisita sa inyong Barangay Health Center upang malaman ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong barangay.
Protektahan ang ating mga anak para sa ligtas na Batangas City!