30/08/2026
๐ ๐๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก! ๐
Isang masigla, makulay, at makabuluhang pagbubukas para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan! ๐ฅณ
Sama-sama nating simulan ang isang linggong puno ng saya, pagkakaisa, talento, palakasan, at iba't ibang gawaing magbibigay pagkakataon sa bawat kabataan na maipakita ang kanilang galing at kakayahan.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan, kundi isang pagkakataon din upang pagtibayin ang samahan at pagkakaisa ng mga kabataan tungo sa mas aktibo at progresibong komunidad.
Kasabay nito, taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga masisipag na staff ng Cong. BRAD's Office, sa pangunguna ni Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha, sa kanilang pagbibigay ng suporta at pagbabahagi ng mahahalagang mensahe na nagsilbing inspirasyon at gabay sa mga Kabataan ng Talumpok Silangan.
Maraming salamat po sa inyong oras, suporta, at pakikiisa sa aming pagdiriwang. Ang inyong presensya ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa aming mga kabataan upang patuloy na maging aktibo, responsable, at handang makibahagi sa pagpapaunlad ng ating komunidad.
Nawa'y magsilbi ang pagdiriwang na ito bilang daan upang higit pang mapagtibay ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagmamalasakit ng bawat kabataan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, talento, at kakayahan ng Kabataan!