01/11/2023
Good day!
FYI to our Newly Elected Barangay Officials ☺️
Ipinagbibigay alam po sa lahat ng mga bagong proklamang Punong Barangay at Barangay Kagawad na nagnanais na manumpa sa ating Punong Bayan na tayo ay magkakaroon ng “mass oath taking” o “panglahatang panunumpa” sa Nobyembre 6, 2023 (Lunes); ika-7 ng umaga na gaganapin sa FPJ Arena, Brgy. Dagatan, San Jose, Batangas.
Ang lahat din po ng manunumpa ay pinakiki-usapan na ang isuot na damit ay barong/filipiniana o puting polo/blouse para sa picture taking at dalhin ang kopya ng inyong Certificate of Canvass and Proclamation mula sa COMELEC.
Ang iskedyul naman po ng oath-taking ng mga Sangguniang Kabataan ay gaganapin sa Nobyembre 13, 2023.
Maraming salamat po!