10/09/2026
Ang Tinga Itaas Elementary School ay buong pusong nakiisa sa Third Quarter Simultaneous Earthquake Drill na ginanap ngayong araw. Kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga mag-aaral, aktibo nilang isinagawa ang tamang Duck, Cover, and Hold bilang paghahanda sa anumang sakunang dulot ng lindol.
Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga mag-aaral at magulang, patuloy nating pinapalakas ang kamalayan at kahandaan ng bawat Batang TIES sa panahon ng emerhensiya.
Ligtas na Paaralan, Ligtas na Pamayanan!