23/06/2026
📢 OPISYAL NA ANUNSYO
Ipinababatid ng Paaralang Elementarya ng Buhaynasapa ang opisyal na pagbabago ng pangalan ng aming page alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 o ang Media Management Guidelines.
🔄 Mula sa: DepEd Tayo Paaralang Elementarya ng Buhaynasapa
➡️ Papalitan ng: DepEd Paaralang Elementarya ng Buhaynasapa
Ang pagbabagong ito ay bahagi ng pagsunod sa itinakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon upang mapanatili ang iisang pagkakakilanlan, mas malinaw na komunikasyon, at mas matatag na presensya sa mga digital na plataporma para sa kapakinabangan ng ating mga mag-aaral, magulang, at iba pang mga stakeholder.
📌 Inaanyayahan namin ang lahat na patuloy na sundan at suportahan ang aming opisyal na page sa ilalim ng bago nitong pangalan upang manatiling updated sa mga mahahalagang anunsyo, programa, at gawain ng paaralan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikiisa.
Paaralang Elementarya ng Buhaynasapa
Buhaynasapa, San Juan, Batangas
TO GOD BE THE HIGHEST GLORY....