13/05/2025
๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก. ๐๐ฉท
Hindi man kami ang pinalad na manalo sa halalang ito, taas-noo pa rin kaming humaharap sa inyoโdahil lumaban kami nang patas, malinis ang hangarin, at buo ang prinsipyo.
Wala kaming ibinayad para sa boto. Ang tanging sandata namin ay ang tunay na serbisyo publikro, malasakit na walang kapalit, at ang pusong handang tumulong sa kapwa at sa buong nasasakupan. Lumaban kami. Hindi dahil alam naming mananalo, kundi dahil alam naming tama, kundi dahil alam naming kailangan ng bayan.
Sa bawat taong naniwala, nagtiwala, at walang sawang sumuportaโmaraming, maraming salamat po. Hindi matutumbasan ng kahit anong resulta ang tiwalang ibinigay ninyo. Kayo ang lakas namin sa bawat araw ng kampanya, sa bawat hakbang ng laban.
Ang pagkatalo ay hindi katapusan. Isa lang itong pahinga sa mas mahabang paglalakad tungo sa tunay na pagbabago. At kahit hindi kami nanalo ngayon, mananatili kaming nasa tabi ninyoโhandang makinig, tumulong, at magsilbi sa abot ng makakaya.
Muli, taos-pusong pasasalamat. Sa ngalan ng tapat na paglilingkod at wagas na pagmamahal sa bayanโ WALANG TALO SA ISANG MALINIS AT PATAS NA PAGLABAN. Maraming salamat sa bawat pusong naging tahanan ng aming adhikain. Magkikita-kita tayong muliโmas buo, mas matatag. Muling titindig, muling maglilingkod. Lagiโt lagi, para sa bayan. ๐ค