08/05/2025
Bakit dapat Straight Team Ramos Demeterio?
Sa unang termino ng grupo sa pangunguna ni Mayor Michael Ramos at Vice Mayor Bodjyk Demeterio ay malaki ang pinagbago ng Batan.
Sunod-sunod rin ang mga infrastructure projects sa lungsod gaya ng Batan Museum rehabilitation . Nagkaroon na rin tayo ng bagong mga Rescue Vehicles, at ang dating madilim at lubak-lubak na kalye ngayon ay maayos at naging maliwanag na.
Marami na ring programa para sa mga Senior Citizen katulad ng Birthday Pension. Nakakatanggap na rin ang bawat pamilyang Batangnon ng mga ayuda at tulong na kailangan ng Tao.
Lahat ng ito ay nagawa ng Team Ramos Demeterio dahil sa magandang pamumuno, pakikipaglaban sa kurapsyon at pagkakaisa ng bawat miyembro ng Grupo.
Kaya naman sa unang termino pa lamang ay nakakuha agad ang Batan ng Seal of Good Local Governance, ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang lungsod mula sa DILG na nagpapatunay na tapat at magaling ang isang namumuno.
Huwag na nating hayaan na mayroon pang muling manggulo sa magandang pamamalakad ng ating Pamahalaang Lungsod.
Kaya mga Batangnon, mag-VOTE STRAIGHT Team Ramos Demeterio na tayo! ๐๐ป
Mayor
#1 Michael Ramos
Vice Mayor
#1 Bodjk Demeterio
Member, Sanggunian Bayan
#3 William Bautista
#4 Joena Bolivar
#8 Kap nonong Jacinto
#10 Amy Mamay
#12 Toto Francis Pador
#13 Nilo B**g Penalba
#17 Joy Ramos
#18 Adonis Sarceno