DA-PhilRice Batac

DA-PhilRice Batac DA-PhilRice Batac was established in 1999 to be the Drought-prone Agriculture Research Center through an agreement forged by then PhilRice.
(1)

Pamamahagi ng libreng dekalidad na in**ed na binhi sa Sarrat, Ilocos Norte ๐ŸŒพIkaw ka-Palay, nakatanggap ka na rin ba ng l...
01/06/2026

Pamamahagi ng libreng dekalidad na in**ed na binhi sa Sarrat, Ilocos Norte ๐ŸŒพ

Ikaw ka-Palay, nakatanggap ka na rin ba ng libreng in**ed na binhi mula sa RCEF Seed Program ng PhilRice?


Sirang mekanikal transplanter? Ayusin natin โ€™yan, ka-Palay! โš™๏ธโœจIsang yunit ng mekanikal transplanter mula sa Solsona, Il...
27/05/2026

Sirang mekanikal transplanter? Ayusin natin โ€™yan, ka-Palay! โš™๏ธโœจ

Isang yunit ng mekanikal transplanter mula sa Solsona, Ilocos Norte ang muling napaandar at napagana sa tulong ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Unit ng DA-PhilRice Batac. Ito ay matapos mag-request ng technical assistance ang lokal na pamahalaan ng Solsona dahil halos isang taon nang hindi nagagamit at nakaimbak lang ang kanilang yunit.

โ€œMasaya kami at magagamit na rin namin ang aming mekanikal transplanter, sakto at palapit na naman ang taniman,โ€ ani ka-Palay Ramon Manuel.

Patuloy ang DA-PhilRice Batac sa agarang pagtugon upang masigurong handa at maayos ang mga makinaryang makakatulong sa ating mga magsasaka.

Mas pinatibay na kaalaman sa technical writing at policy brokering, hatid ng DA-PhilRice Batac Upang mapaigting ang kaka...
26/05/2026

Mas pinatibay na kaalaman sa technical writing at policy brokering, hatid ng DA-PhilRice Batac

Upang mapaigting ang kakayahan sa pagsulat ng scientific paper at epektibong komunikasyon ng research outputs, nagsagawa ang DA-PhilRice Batac, katuwang ang ILAARRDEC, ng tatlong araw na pagsasanay sa Technical Writing for Journal Publication and Policy Brokering para sa mga kawani ng istasyon at iba pang consortium member institutions kagaya ng NTA, PhilFida, BFAR, at iba pa.

Layunin ng pagsasanay na hasain ang kakayahan ng mga kalahok sa pagbuo ng publishable scientific manuscripts at mas mahusay na paghahatid ng research-based evidence para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Mary Ann U. Baradi, Director I ng DA-PhilRice Batac, na mahalaga ang aktibidad sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kalahok sa pagsulat ng mga siyentipikong artikulo at sa mahusay na komunikasyon ng mga research output upang makatulong sa paghubog ng mga polisiya at programa.

Nagsimula ngayong Mayo 26 hanggang Mayo 28, 2026 ang pagsasanay na ginaganap sa DA-PhilRice Batac Auditorium sa pangunguna nina Dr. Jaime A. Manalo IV at Mr. Dindo King M. Donayre, Career Scientists II mula sa DA-PhilRice Central Experiment Station, Nueva Ecija.

Magsasaka sa Ilocos, interesadong magtanim ng High-zinc Rice! ๐ŸŒพโœจMatapos masaksihan ng mahigit 40 na mga magsasaka mula s...
22/05/2026

Magsasaka sa Ilocos, interesadong magtanim ng High-zinc Rice! ๐ŸŒพโœจ

Matapos masaksihan ng mahigit 40 na mga magsasaka mula sa San Nicolas, Ilocos Norte ang magandang tindig at butil ng pananim na High-zinc Rice na NSIC Rc 648, gayundin ang benepisyong pangkalusugan nito. Nagpahayag sila ng interes na subukang itanim ito sa kanilang mga sakahan.

Ipinamalas ang naturang barayti sa Farm Walk sa Brgy. Santa Cecilia, kung saan tinalakay din ang katangian nito at ang kahalagahan ng zinc sa nutrisyon.

โ€œNapakahalaga ng zinc sa ating katawan dahil nakatutulong ito sa pagpapalakas ng resistensya, pinatatangkad at pinatatalas ang pag-iisip ng mga bata, at pinalalakas din ang mga buntis,โ€ saad ni Hon. Moera Joy N. Galing-Luna, Chairman ng Sangguniang Bayan Committee on Health ng San Nicolas.

Ang produksyon ng High-zinc Rice ay isinagawa katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas upang mapaigting ang promosyon ng masustansyang bigas sa Ilocos. Ang NSIC Rc 648 ay may 122 araw na paggulang, 119 cm na taas, at 4.0โ€“7.4 ton/ekt na potensyal na ani.


Let's be RICEponsible not just today, but EVERYDAY!    Dr. Tony Leachon
22/05/2026

Let's be RICEponsible not just today, but EVERYDAY!


Dr. Tony Leachon

Gusto mo bang manalo ng mula P1,000 hanggang P3,000? ๐ŸคฉSali na sa ating "Magsasaka, proud kami sa inyo" challenge! Sundan...
22/05/2026

Gusto mo bang manalo ng mula P1,000 hanggang P3,000? ๐Ÿคฉ

Sali na sa ating "Magsasaka, proud kami sa inyo" challenge!

Sundan lamang ang mechanics!

Ipakita ang inyong pasasalamat gamit ang photo o video, at pwede ring gamitin ang inyong talento sa pagsayaw, pagtula, o pagkanta para mas creative ang inyong entries!

Deadline of entries: May 24, 2026

MAGSASAKA, proud kami sa inyo! ๐ŸŒพ

Ibahagi ang inyong taos pusong pasasalamat sa mga magsasaka at manalo ng papremyo ngayong National Farmers and Fisherfolk Month!

Sundan lamang ang mechanics dahil baka ikaw na ang susunod na mananalo.

Deadline of entries: May 24, 2026

Intay sirpaten dagiti isem dagiti nakaawat ti libre nga in**ed a bin-i manipud iti RCEF Seed Program ti PhilRice iti Reg...
21/05/2026

Intay sirpaten dagiti isem dagiti nakaawat ti libre nga in**ed a bin-i manipud iti RCEF Seed Program ti PhilRice iti Region I ita a 2026 wet season๐Ÿ˜Š๐ŸŒพ



Palakasan ng Teknolohiya sa MaisUpang makabuo ng mas angkop na teknolohiya para sa produksyon ng mais at iba pang rice-b...
21/05/2026

Palakasan ng Teknolohiya sa Mais

Upang makabuo ng mas angkop na teknolohiya para sa produksyon ng mais at iba pang rice-based crops, isinagawa ang Corn Derby katuwang ang ibaโ€™t ibang pribadong kumpanya, kasama ang mga magsasaka mula sa City of Batac at mga estudyante ng Apayao State College at Abra State Institute of Science and Technology.

Sa pamamagitan ng sama-samang obserbasyon sa performance ng mga teknolohiya at barayti ng mais, pag-aaral, at pagbabahagi ng kaalaman, patuloy na pinalalakas ang pagtutulungan ng ibaโ€™t ibang katuwang tungo sa mas maunlad at produktibong pagtatanim ng palay at iba pang pananim.

Dagdag Kaalaman at Dagdag Kabuhayan sa Pagsasanay ng Oyster Mushroom at Vermicompost Production! Matagumpay na naisagawa...
21/05/2026

Dagdag Kaalaman at Dagdag Kabuhayan sa Pagsasanay ng Oyster Mushroom at Vermicompost Production!

Matagumpay na naisagawa sa Brgy. Saoit, Burgos, Ilocos Norte ang pagsasanay noong Mayo 19-20, 2026, na pinangunahan ng Vir-Hills Farm kasama ang tatlong interns mula Bacarra, Burgos, at Pasuquin, at limang on-the-job trainees mula sa DMMMSU Bacnotan. Nakiisa rin ang pitong miyembro ng organic association at mga magsasaka sa pangunguna ni Ka-Palay Precious Jamorabon.

Layunin ng aktibidad na ito na mapaunlad ang lalo ang farm sa Burgos, Ilocos Norte at maipagpatuloy ang value-adding initiatives na nasimulan ng Vir-Hills Farm. Hangad din nitong mabigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga magsasaka at mas mapalakas pa ang organikong pagsasaka sa komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng DA-PhilRice Batac ang mga pagsasanay ukol sa rice at rice-based na developed technologies upang makatulong sa mas marami pang mamamayan sa ibaโ€™t ibang komunidad.



20/05/2026

๐——๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐—บ ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ถ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป-๐—ถ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ถ ๐—ฉ๐—™๐—ง๐ŸŒพ

Agsapsapul ni ka-Palay Kaysie T. Potencion manipud ti Narvacan, Ilocos Sur iti barayti a nalukneng ken adu ti apitna, saan nga araken ti peste, napuskol ken adu ti gipina, ken nabibiit a maapit, a maiyannatup iti talonna a rainfed.

Babaen iti Variety Field Trial ti RCEF Seed Program ti PhilRice idiay San Ildefonso, Ilocos Sur, napilina ti barayti a tumutop kadagiti sapsapulenna a kababalin. Dagitoy ket ti NSIC Rc 624, ken Rc 480.

Gagem ti Variety Field Trial a maipapadas ken maiyam-ammo kadagiti mannalon dagiti kabaruanan nga in**ed a barayti. Dagiti mapili dagiti mannalon babaen iti Participatory Variety Selection ti pagibasaran no ania nga in**ed a barayti ti ibunong ti RCEF Seed Program ti PhilRice mangrugi inton 2027 wet season.



Address

Brgy. Tabug, Paoay Road, City Of Batac
Batac
2906

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

09208634639

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA-PhilRice Batac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA-PhilRice Batac:

Share