E.C. Bernabe National High School-300699

E.C. Bernabe National High School-300699 Emilio C. Bernabe National High School is a public secondary school located at A. Ricardo, Bagac, Bataan, Philippines.

11/06/2026
10/06/2026

MGA ISKAWTS NG E.C. BERNABE NHS, NANININDIGAN SA PANATA NG PAGLILINGKOD

Patuloy na naglilingkod sa E.C. Bernabe National High School ang ilang Scout kahit sila ay nagtapos na at lumipat na ng paaralan, bilang pagpapakita ng katapatan at pagpapahalaga sa organisasyong humubog sa kanilang pagkatao.

Ayon kay RS Danica Rence P. Llait, alumni ng E.C. Bernabe National High School, ipinagpapatuloy niya ang kanyang paglilingkod dahil aniya, “Dito ako nagsimula at naging ganap na Rover Scout,” kaya patuloy siyang naglilingkod sa paaralan. Idinagdag din niya na pinanghahawakan niya ang aral ng kanilang Vigil Master na “ang rover ay hindi marunong humindi,” dahilan upang patuloy nilang isagawa ang kanilang tungkulin sa paaralan o komunidad.

Samantala, sinabi ni John Rick Tutol, unang Rover Leader ng E.C.B.N.H.S. Rover Scouts - Rover Circle 5024 at nagtapos noong 2026, na nananatili siyang tapat sa kanyang pinanggalingan. Ayon sa kanya, “Kung kaya ko pa tumulong, tutulong ako. Para sa 5024.” Binigyang-diin din niya ang kasabihan ni G*t. Jose Rizal na “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan,” na nagsisilbing gabay sa kanyang patuloy na paglilingkod. Dagdag pa niya, nais niyang makita ang pag-unlad ng mga kabataang scout na susunod sa kanilang mga yapak.

Ibinahagi rin ni Harvie Insigne, isang Rover Scout at alumni ng paaralan, na “Malaki ang naging bahagi ng scouting sa aking pagkatao,” dahil dito niya natutuhan ang disiplina, responsibilidad, at pagmamalasakit sa kapwa. Dagdag pa niya, “Nananatili sa aking puso ang diwa ng scouting,” kaya patuloy siyang nagbabalik upang ibahagi ang kaniyang kaalaman at karanasan sa mga kasalukuyang scout.

Kabilang din sa mga nagpapatuloy sa paglilingkod si Yellenah Maria Dejucos, dating mag-aaral ng E.C. Bernabe National High School at kasalukuyang Chief Girl Scout. Ayon sa kanya, “Tuwing nakakatulong ako sa iba, nakakaramdam ako ng saya.” Para sa kanya, ang paglilingkod bilang Scout ay isang tungkuling ginagawa niya nang may pagmamalaki at buong puso.

Sa kabila ng pagtatapos ng pag-aaral at paglipat ng ilan sa ibang paaralan, pinatutunayan ng mga Scout alumni na ang diwa ng scouting ay hindi natatapos sa loob ng silid-aralan. Sa halip, ito ay nagpapatuloy sa pamamagitan ng kanilang walang sawang paglilingkod, paggabay sa susunod na henerasyon at pagsasabuhay ng panatang Scout na handang tumulong sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.

✍🏻 : Peñaflor, Lou Mheigan, S.

‎𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐛𝐞𝐧𝐢𝐚𝐧𝐬, 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐝𝐢𝐛𝐚? Parang kahapon lang nagsisimula pa lamang an...
06/06/2026

‎𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐛𝐞𝐧𝐢𝐚𝐧𝐬, 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐝𝐢𝐛𝐚? Parang kahapon lang nagsisimula pa lamang ang Brigada Eskwela, ngayon panghuling araw na. At dahil diyan 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 𝖣𝖺𝗒 5: 𝖢𝗈𝗆𝗉𝗅𝖾𝗍𝖾𝖽! 🧾✅

‎Hindi matutumbasan ng simpleng salita ang pasasalamat namin sa lahat ng nagbigay ng oras na dumalo at buong pusong tumulong sa Brigada Eskwela. Hindi namin mairaraos ito nang maayos at maaliwalas kung wala ang bawat isa sa inyo. Patunay ito na ang mga Bernabenians ay Magaling, Magalang at Maaasahan. Ang pagkakaisang ipinamalas ng ating paaralan ay daan tungo sa mas maunlad at masaganang pamayanan. Sana ay patuloy tayong maglingkod at kusang-loob na tumulong sa paaralan dahil ang bawat tulong na ito ay malaking bagay sa magandang karanasan at malinis kapaligiran ng bawat estudyanteng Bernabenians! 👥❣️

‎Harapin at malugod nating tanggapin ang pagbubukas ng taong panuruang 2026 hanggang 2027. Maging handa ka na sa nalalapit na pagbabalik eskwela! 📚✨

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 4 ✅📋Sa ikaapat na araw ng Brigada Eskwela ay patuloy pa ring pinatunayan ng mga volunteers at...
06/06/2026

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 4 ✅📋

Sa ikaapat na araw ng Brigada Eskwela ay patuloy pa ring pinatunayan ng mga volunteers at mga g**o ang tunay na diwa ng bayanihan sa loob ng paaralan.

Hindi man naging madali dahil sa pabago-bagong panahon, nanatiling matatag at buo ang suporta ng bawat isa para sa iisang layunin, ang makapagbigay ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral. 👥🫶

‎𝗕𝗿𝗶𝗱𝗮𝗴𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 3 ✅📋‎‎Maulan at malamig pero ang bayanihan sa paaralan ay hindi mapipigilan. Sa ikatlong ara...
06/06/2026

‎𝗕𝗿𝗶𝗱𝗮𝗴𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 3 ✅📋

‎Maulan at malamig pero ang bayanihan sa paaralan ay hindi mapipigilan. Sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela ay aktibo pa ring nakilahok at tumulong ang mga volunteers katulad ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga volunteers maging sa mga g**o na patuloy na naglalaan ng oras at lakas upang maihanda ang paaralan sa nalalapit na muling pagbubukas ng paaralan sa ika-08 ng Hunyo 2022.
. 👥🫶

‎"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐛𝐮𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠 𝐢𝐢𝐬𝐚, 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚"
‎𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂'𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒔𝒂 𝑩𝒓𝒊𝒈𝒂𝒅𝒂 𝑬𝒔𝒌𝒘𝒆𝒍𝒂! 🔊

‎𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 2 🧾✅"ᴛᴀᴘᴏs ɴᴀ ʙᴀ ᴀɴɢ ʙʀɪɢᴀᴅᴀ ᴇsᴋᴡᴇʟᴀ?" 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒚 2 𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝒏𝒂! 🌟‎‎Sa ikalawang ar...
06/06/2026

‎𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026 | 𝗗𝗮𝘆 2 🧾✅

"ᴛᴀᴘᴏs ɴᴀ ʙᴀ ᴀɴɢ ʙʀɪɢᴀᴅᴀ ᴇsᴋᴡᴇʟᴀ?" 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒚 2 𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝒏𝒂! 🌟

‎Sa ikalawang araw ay muling nagtulong- tulong ang mga g**o, magulang, estudyante, at iba pang mga volunteers upang maglinis at isaayos ang paaralan. Taos-pusong pasasalamat sa mga nakiisa at tumong sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela.

‎Ito ay isang patunay na mas magiging madali at bibilis ang gawain kung sama-sama at nagkakaisa ang bawat isa. Kaya't Bernabenians, halina't makisama muli sa mga susunod pang araw na puno ng kasiyahan at kagalakan. 🙂♥️

🌧️ 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗗𝗔𝗬 𝟭 💜Ika-01 ng Hunyo 2026, sa E.C. Bernabe National High School, matagumpay na sinimulan ang...
06/06/2026

🌧️ 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗗𝗔𝗬 𝟭 💜

Ika-01 ng Hunyo 2026, sa E.C. Bernabe National High School, matagumpay na sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng Bayanihan Parade and Motorcade, Hataw Bernabe! at Kick-Off Program
Sa kabila ng tuloy-tuloy na ulan, nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, magulang, at mga katuwang ng paaralan upang sama-samang ihanda ang paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Pinatunayan ng unang araw ng Brigada Eskwela na walang anumang panahon ang makakapigil sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng mga Bernabenian para sa mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na paaralan.



🖋️: Kate Ilar

05/06/2026

Halina't panoorin ang recorded video ng E.C. Bernabe NHS Student Manual Orientation na naglalayon na gabayan ang mag-aaral sa tamang pag-uugali, dress code, at school policies para sa taong S.Y. 2026-2027. Magsilbing gabay nawa ito sa lahat ng Bernabenians! "Basta Bernabenians, magaling, magalang at maaasahan.!" Please watch and share :)

05/06/2026

Halina't panoorin ang recorded video ng E.C. BERNABE NATIONAL HIGH SCHOOL STUDENT MANUAL ORIENTATION ang layunin nitong gabayan ang mag-aaral sa tamang pag-uugali,dress code at school policies para sa S.Y. 2026-2027. Magsilbing gabay nawa ito sa lahat ng Bernabenians. "Basta Bernabenians, magaling, magalang at maaasahan.!" Please watch and share!

05/06/2026

Halna't panoorin ang recorded video ng E.C. BERNABE NATIONAL HIGH SCHOOL STUDENT MANUAL ORIENTATION ang layunin nitong gabayan ang mag aaral sa tamang pag-uugali, dress code at school policies para sa S.Y. 2026-2027. Magsilbing gabay nawa ito sa lahat ng Bernabenians! "Basta Bernabenians, magaling, magalang at maaasahan." Please watch and share :)

Address

Atillano Ricardo, Bagac
Bataan
2107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when E.C. Bernabe National High School-300699 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share