04/01/2022
Noong Enero 3, 1951, ang noon na Social Welfare Commission na nilikha noong 1947 at ang President’s Action Committee on Social Amelioration na nilikha noong 1948 ay pinagsama upang mabuo ang Social Welfare Administration (SWA) sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 396 na nilagdaan noon ni Pangulong Elpidio Quirino.
Ang SWA ay kalauna'y itinaas bilang isang departamento noong 1968 sa bisa ng Republic Act (RA) No. 5416 at noong 1987, ito ay muling inorganisa at pinalitan ng pangalan na ngayon ay kilala bilang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Maligayang anibersaryo DSWD! 🎇🎆
71 taon ng maagap at mapagkalingang serbisyo. 🥰