10/05/2026
Sa bawat pagod na hindi ipinapakita, sa bawat sakripisyong tahimik na inaalay, at sa bawat yakap na puno ng pagmamahal—nariyan si Nanay.
Hindi man sapat ang isang araw para suklian ang lahat ng ginawa ng ating mga Ina, nais naming iparamdam kung gaano ka kahalaga at kamahal. Ikaw ang unang tahanan, unang g**o, at unang kakampi ng bawat anak.
Ngayong Araw ng mga Ina, saludo kami sa lahat ng ilaw ng tahanan na patuloy na lumalaban, nag-aaruga, at nagbibigay inspirasyon sa kanilang pamilya araw-araw.
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng Nanay, Mama, Inay, Mommy, at sa lahat ng tumayong ina. 💐💖