25/10/2026
KAGABI, October 24, 2026 araw ng Sabado Ginanap ang 1st Semester, Barangay Assembly Day na may Theme: "Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-Sama ng Pagkilos Para sa Ating Komunidad" kung kaya't taos-puso po kaming nagpapasalamat mula sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kgg. Ray An C. Tesoro kasama ang bumubuo ng Sangguniang Barangay at sa lahat ng mamamayan na dumalo at nakiisa sa ginanap na Barangay Assembly Day. Ang inyong presensya at pakikilahok ay napakahalaga upang maging matagumpay ang pagtitipon na naglalayong maipabatid ang mga program, proyekto at mga ulat ng Pamahalaang Barangay.
Maraming salamat din po sa ating mga bisita mula sa Baras Pnp na si PAT Reymond T. Roldan, si BFP na si SF03 Billy Ray D. Florendo, 3rd Platoon Mobile Unit Anacleta Valiente, Konshal Hon. Peter Leo Robles at sa atin din pong opisyal ng Barangay, mga Kawani at mga ka tuwang na nagbigay ng oras, pagod at suporta upang maisagawa nang maayos ang nasabing pagpupulong. Ang inyong pakikiisa ay pa tunay ng ating pagkakaisa at malasakit para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Nawa'y patuloy tayong magtulungan, makiisa sa mga gawain at program ng Barangay para sa mas maayos, mapayapa at maunlad na pamayanan.
Maraming salamat po at mabuhay ang ating Barangay!