Barangay Pinugay

Directions Contact the organization

Barangay Pinugay Pamahalaang Barangay ng Pinugay

Barangay Assembly Day 2nd Semester C.Y. 2026β€œTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang tinig, Makabuluhang usapan, at S...
23/10/2026

Barangay Assembly Day
2nd Semester C.Y. 2026

β€œTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang tinig, Makabuluhang usapan, at Sama-samang pagkilos para sa ating komunidad”

PINUGAYEΓ‘OS, SHOW US YOUR CREATIVITY! πŸ’—Bilang bahagi ng ating Children’s Month Celebration 2026, inaanyayahan ang mga in...
22/10/2026

PINUGAYEΓ‘OS, SHOW US YOUR CREATIVITY! πŸ’—

Bilang bahagi ng ating Children’s Month Celebration 2026, inaanyayahan ang mga interesadong lumahok sa BCPC Logo Making Contest!

May talent ka sa pagde-design? Ito na ang chance mo para maipakita ang iyong creativity at makagawa ng logo na sumasalamin sa adbokasiya ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) para sa karapatan, kaligtasan, kapakanan, at proteksyon ng mga bata.

WINNER: β‚±3,000
CONSOLATION PRIZE: β‚±500 bawat isa
PEOPLE’S CHOICE AWARD

πŸ“Œ LIMITED SLOTS: First 20 qualified contestants! Kapag lumampas sa 20 ang submissions, pipiliin ang best entries batay sa creativity, originality, at relevance sa BCPC.

Deadline of Submission: October 26, 2026, 12:00 NN

Paalala: Dapat ay original at sariling gawa ang logo. Mahigpit na ipinagbabawal ang AI-generated designs, plagiarism, at pagkopya ng ibang entries. Ang paglabag sa guidelines ay maaaring magresulta sa disqualification.

REGISTER AND SUBMIT YOUR ENTRY HERE:
πŸ‘‰ https://forms.gle/XtK8zUEKL8RLsJkz9

Huwag palampasin ang pagkakataong maipakita ang iyong talento at maging bahagi ng pagtataguyod ng karapatan at proteksyon ng bawat bata!

Kaya mo bang gumawa ng logo na may puso at layunin? Tara na, sumali na!

LIWANAG NG PAG-ASA, OPORTUNIDAD SA HANAPBUHAY!Handog sa ating mga kababayan ang Livelihood Project: Candle Making na nag...
20/10/2026

LIWANAG NG PAG-ASA, OPORTUNIDAD SA HANAPBUHAY!

Handog sa ating mga kababayan ang Livelihood Project: Candle Making na naglalayong magbigay ng bagong kaalaman at kasanayan na maaaring maging daan sa dagdag na pagkakakitaan at mas maraming oportunidad sa kabuhayan.

Sa pangunguna ng Kalinga sa Rizal Foundation, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Barangay Pinugay sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Hon. Jofre R. Seclot at ng Sangguniang Barangay, kasama ang EQUIS Pinugay Pride, layunin ng proyektong ito na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng LGBTQIA+ community at mga pamilya ng Barangay Pinugay.

πŸ“… Petsa: Oktubre 29, 2026 (Huwebes)
⏰ Oras: 9:00 AM
πŸ“ Lugar: Old Conference Room, Barangay Hall, Sitio Cinco, Barangay Pinugay, Baras, Rizal
πŸ‘¨β€πŸ« Trainer: Shane Parreno

πŸ“£ LIMITADO LAMANG SA 25 SLOTS!

Sa mga interesadong lumahok, mangyaring sagutan ang Google Form (GForm) para makapagparehistro. Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa page ng EQUIS Pinugay Pride para sa karagdagang impormasyon at tulong sa pagpaparehistro.

https://forms.gle/em1hyp8jTwYsPap76
https://forms.gle/em1hyp8jTwYsPap76
https://forms.gle/em1hyp8jTwYsPap76

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na matuto ng bagong kasanayan at magkaroon ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan!

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may pantay na oportunidad, pagkakaisa, at suporta para sa lahat. πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ•―οΈ

Isang kandila, isang bagong kasanayan, isang hakbang tungo sa mas magandang bukas.

🚨 ABISO SA MGA MOTORISTA AT MGA TAGA-BARANGAY PINUGAYPansamantalang HINDI MADADAANAN ang kalsada sa Palo Alto Road dahil...
16/10/2026

🚨 ABISO SA MGA MOTORISTA AT MGA TAGA-BARANGAY PINUGAY

Pansamantalang HINDI MADADAANAN ang kalsada sa Palo Alto Road dahil sa isang naganap na vehicular accident.

Pinapayuhan ang lahat na humanap muna ng alternatibong ruta at umiwas sa nasabing lugar hanggang sa maging ligtas at maaari nang daanan muli ang kalsada.

Hinihikayat ang lahat ng mga taga-Pinugay at mga motorista na mag-ingat, maghinay-hinay sa pagmamaneho, at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.

Maging maingat sa biyahe. Kaligtasan ng bawat isa ang ating prayoridad!

15/10/2026
MALIGAYANG KAARAWAN, KAP JOFRE! Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Punong Barangay, Hon...
15/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, KAP JOFRE!

Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Punong Barangay, Hon. Jofre R. Seclot!

Nawa’y pagkalooban kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, lakas, at karunungan upang patuloy na makapaglingkod sa ating mahal na Barangay Pinugay.

Mula sa Pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay, hangad namin ang inyong kaligayahan at patuloy na tagumpay sa buhay at paglilingkod sa ating komunidad.

Muli, maligayang kaarawan, Kap Jofre!

Basta taga-Pinugay, Tatak Mahusay!

π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—¦π—’π—Ÿπ—œπ—— π—ͺπ—”π—¦π—§π—˜ π—–π—’π—Ÿπ—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ | October 06–07, 2026Patuloy ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay!Kahapon at ...
07/10/2026

π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—¦π—’π—Ÿπ—œπ—— π—ͺπ—”π—¦π—§π—˜ π—–π—’π—Ÿπ—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ | October 06–07, 2026

Patuloy ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay!

Kahapon at ngayong araw, isinagawa ang regular na pangongolekta ng solid waste sa Phase 3 Circle at Block 53-A bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Barangay Pinugay na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating mga kalsada at paligid.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad at maisulong ang tamang pamamahala at pagtatapon ng basura.

Maraming salamat sa ating mga Barangay Eco Boys at masisipag na truck drivers sa kanilang patuloy na serbisyo at pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat kay Sir Ricky Montanio sa Filfirst sa pagpapahiram ng truck na ginamit para sa ating regular na solid waste collection. Malaking tulong po ito sa patuloy nating pagpapanatili ng malinis at maayos na Barangay Pinugay.

Sama-sama nating panatilihin ang kalinisan ng ating barangay. Tamang pagtatapon ng basura, disiplina ng bawat isa!

Basta taga-Pinugay, Tatak Mahusay!

07/10/2026
07/10/2026

Address

Barangay Pinugay
Baras
1970

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Pinugay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Pinugay:

Shortcuts

Share