01/06/2026
Baras MPS News Release
June 1, 2026
π§ππ§ππ’π‘π ππππππ, ππ₯ππ¦π§πππ’ π¦π ππ‘π§π-πππππππ πππ ππππ‘π π’π£ππ₯ππ§ππ’π‘
Tatlong kalalakihan ang naaresto ng mga operatiba ng Baras Municipal Police Station matapos maaktuhang nagsasagawa ng ilegal na sugal na βTong-Itsβ sa Block 63, Lot 3, Phase 1, South Ville 9, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal, dakong alas-7:10 ng gabi noong Mayo 31, 2026.
Sa pamumuno ni PMAJ ROBERTO MIRANDA PAPA, Chief of Police, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Baras MPS na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek habang aktuwal na naglalaro ng Tong-Its na may kaakibat na pustahan, isang gawaing ipinagbabawal sa ilalim ng Presidential Decree 1602.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng baraha at perang pusta na ginawang ebidensya sa kaso. Matapos ang operasyon, ang mga naarestong indibidwal at mga nakuhang ebidensya ay dinala sa himpilan at itinurn-over sa imbestigador para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Patuloy na pinaaalalahanan ng Baras MPS ang publiko na umiwas sa anumang uri ng ilegal na pagsusugal at makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
# # # # # # # # #
Authority: ROBERTO M PAPA
Police Major
Chief of Police
Facebook Account: https://www.facebook.com/BarasMunicipalPoliceStation/
Contact No.: 0998-598-5720
Date: June 1, 2026
#πππ«ππ’π¬π²π¨π§π ππππ’π₯π’π¬πππ©πππππππ«ππ«ππ¦πππ¦
#πππ π¨π§π ππππ©ππ«ππ¬ππππ π¨π§π ππ’π₯π’π©π’π§ππ¬