02/06/2026
TINGNAN | Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City ngayong Martes, Hunyo 2, 2026 upang saksihan ang implementasyon ng Tara, Basa! Program kasabay ng pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026.
Kasama si DSWD Secretary REX Gatchalian at Dir. Elma Salamat, kinamusta ng Pangulo ang mga benepisyaryo ng programa na dumadalo sa tutoring at parenting sessions sa nasabing paaralan.
Sa pamamagitan ng programa, natutulungan ang mga mag-aaral na mapahusay ang kanilang literacy skills habang nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapaglingkod sa kanilang komunidad bilang tutor at Youth Development Worker (YDW).
Ang Tara, Basa! Program ay isang Cash-for-Work initiative ng DSWD na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga kabataan edad 18-30, habang binibigyan din sila ng oportunidiad na maging bahagi sa nation building activities ng pamahalaan.