28/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
May 28, 2026
Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Banton ang Culminating Activity bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Heritage Month 2026, isang makabuluhang selebrasyon na naglalayong kilalanin, pangalagaan, at ipagmalaki ang mayamang kultura, kasaysayan, at tradisyon ng bayan ng Banton.
Nagsimula ang programa sa isang ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ช๐ฎ๐น๐ธ sa mga lumang balon sa Barangay Poblacion na nilahukan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at ibaโt ibang National Agencies. Kasabay nito ay isinagawa rin ang pagsusuri at pag-assess sa kasalukuyang kalagayan ng mga makasaysayang estruktura upang matukoy ang mga posibleng hakbang para sa pagpapaganda at wastong pangangalaga upang mapanatili ang kanilang integridad para sa mga susunod na henerasyon.
Isinagawa rin ang isang ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฏ๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ o โPag-ayat it Bayadan it Sumanโ para sa mga empleyado ng LGU bilang bahagi ng pagpapanatili at pagpapasa ng mga tradisyunal na kaugaliang Bantoanon. Ang nasabing workshop ay pinangunahan nina Gng. Angeles Resurrecion Forfieda kasama ang kanyang apo na si Ralph Jarib Forfieda na nagbahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa isa sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng Banton.
Naging bahagi rin ng selebrasyon ang ๐๐ฎ๐ป๐ฟ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐๐๐ป๐ฐ๐ต โ LGU Sanrokan kung saan nagsalo-salo ang lahat habang tampok ang ibaโt ibang pagkaing Bantoanon bilang pagpapakita ng yaman ng lokal na kultura at lutuing minana pa sa ating mga ninuno.
Bilang pagtatapos ng aktibidad, nagsagawa rin ng ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป-๐๐ฝ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ sa mga makasaysayang pook upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng mga pamanang yaman ng bayan.
Patuloy nating pahalagahan, pangalagaan, at ipagmalaki ang kultura at kasaysayan ng Banton, sapagkat ang ating pamana ay siyang nagsisilbing tulay ng ating pagkakakilanlan mula noon, hanggang ngayon, at para sa hinaharap.