02/06/2026
𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵𝑰𝑯𝑨𝑵 𝑺𝑬𝑹𝑩𝑰𝑺𝒀𝑶 𝑪𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑵, 𝑵𝑨𝑮𝑯𝑨𝑻𝑰𝑫 𝑵𝑮 𝑺𝑬𝑹𝑩𝑰𝑺𝒀𝑶 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑹𝑬𝑺𝑰𝑫𝑬𝑵𝑻𝑬 𝑵𝑮 𝑺𝑰𝑻𝑰𝑶 𝑻𝑼𝑵𝑵𝑬𝑳
𝘚𝘈𝘕 𝘑𝘖𝘚𝘌, 𝘖𝘤𝘤𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘔𝘪𝘯𝘥𝘰𝘳𝘰 – Matagumpay na isinagawa ang Bayanihan Serbisyo Caravan sa Sitio Tunnel, Barangay Central, San Jose, Occidental Mindoro ngayong araw 01 Hunyo 2026 sa pangunguna ni Hon. Rey C. Ladaga, Municipal Mayor ng San Jose, katuwang si Hon. Orlando T. Losauro, Punong Barangay ng Brgy. Central.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng barangay at mga kinatawan mula sa Municipal Health Office (MHO), PhilHealth, Municipal Civil Registrar (MCR), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP), at ang 68th Infantry (Kaagapay) Battalion.
Layunin ng programa na mailapit sa mga residente ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan, dokumentasyon, at social welfare assistance. Bilang bahagi ng aktibidad, nagkaloob din ang 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ng libreng gupit para sa mga residente bilang karagdagang serbisyong pangkomunidad.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at ng Philippine Army upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at matiyak na ang mga serbisyo ng pamahalaan ay naaabot maging ng mga komunidad sa malalayong lugar.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Bayanihan Serbisyo Caravan, higit na napapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan habang naipapakita ang konkretong serbisyo at malasakit na nagtataguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa sa komunidad.
#𝟮𝗜𝗗𝗝𝘂𝗻𝗴𝗹𝗲𝗙𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗿