Tatak Morada

Tatak Morada HON. RONALD JOHN B. MORADA
MUNICIPAL COUNCILOR
BANSUD, ORIENTAL MINDORO

๐“œ๐“ช๐“ต๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ด๐“ช๐“ช๐“ป๐“ช๐”€๐“ช๐“ท, ๐“—๐“ธ๐“ท. ๐“ก๐“ธ๐“ท๐“ช๐“ต๐“ญ ๐“™๐“ธ๐“ฑ๐“ท ๐“‘. ๐“œ๐“ธ๐“ป๐“ช๐“ญ๐“ช!Isang taos-pusong pasasalamat sa iyong walang sawang dedikasyon at malas...
03/09/2026

๐“œ๐“ช๐“ต๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ด๐“ช๐“ช๐“ป๐“ช๐”€๐“ช๐“ท, ๐“—๐“ธ๐“ท. ๐“ก๐“ธ๐“ท๐“ช๐“ต๐“ญ ๐“™๐“ธ๐“ฑ๐“ท ๐“‘. ๐“œ๐“ธ๐“ป๐“ช๐“ญ๐“ช!

Isang taos-pusong pasasalamat sa iyong walang sawang dedikasyon at malasakit sa ating bayan. Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Panginoon upang maisakatuparan ang iyong mga adhikain para sa mas malinis, maunlad, at mapayapang Bansud sa ilalim ng SERBISYONG TATAK MORADA!

02/09/2026

๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ช๐™™๐™š๐™ฃ๐™ค โค๏ธ
Mula sa ating pagdalo sa Regular Session ngayong araw hanggang sa pag-alalay sa ating mga kababayang Bansudeno na nangangailangan ng tulong pinansyalโ€”tuloy-tuloy ang ating paglilingkod.

โ€‹Palaging bukas ang ating pintuan at puso para sa inyo. โค๏ธ
โ€‹

01/09/2026
29/08/2026

๐™๐™๐™‡๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐™€๐˜ฟ๐™๐™†๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰: 45 ๐™„๐™‹ ๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ค๐™ง ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™ ๐™Ž๐™ฉ๐™ช๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™จ, ๐™‰๐™–๐™–๐™—๐™ช๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™–๐™จ๐™ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š!

Patuloy ang ating paghahatid ng tunay at may malasakit na serbisyo para sa sektor ng edukasyon! Matagumpay nating naipamahagi ang Educational Cash Assistance Program para sa ating 45 Senior High School IP students ng Apnagan High School.

Upang masiguro na permanente at patuloy na matatanggap ang tulong na ito taon-taon, nakahanda na ang ating Ordinansa na isasalang na sa Public Hearing sa susunod na buwan para sa pinal na pag-apruba!

Maraming salamat sa ating mahal na Mayor Ronie Morada, IPMR Hon. Padiwan Sulingan, PSDS Ms. Genalin M. Alinio, TIC Ms. Eufrocina Apolonario, Ms.Aubrey Beredo at sa ating sipag-tiyagang PESO Manager Marie Del Rodriguez sa pakikiisa para sa tagumpay ng gawaing ito.
Hindi rito nagtatapos ang ating layuninโ€”sisikapin nating maabot at matulungan ang LAHAT ng mag-aaral ng Bansud para sa kanilang mas magandang kinabukasan! ๐Ÿ“š๐ŸŽ“

26/08/2026

๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‡๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™™-๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ! ๐Ÿคโœจ

โ€‹Nakiisa ang ating mga Barangay Officials at SK Chairmen mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng Bayan ng Bansud sa ginanap na Katarungang Pambarangay (KP) Training 2026 โ€” isang skill enhancement training na naglalayong mas patatagin at pagtibayin ang ating barangay justice system.

โ€‹Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas pinalalawak ang kaalaman ng ating mga lokal na pinuno sa mabilis, patas, at maayos na pagresolba ng mga usapin sa antas pa lamang ng barangay. Patunay ito ng ating patuloy na komitment na maghatid ng hustisya at kapayapaan sa bawat pamayanan.

โ€‹Maraming salamat sa ating mga pambarangay na pinuno sa inyong dedikasyon na matuto at maglingkod nang buong husay!
โ€‹

Address

Legislative Building
Bansud
5210

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tatak Morada posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category